Mr. Escort Greg Hawkins, nagkaproblema sa working permit kaya nawala sa It's Showtime

by Jojo Gabinete
Sep 22, 2018

Ilang araw nang hindi napapanood sa "Miss Q & A" segment ng It’s Showtime si Greg Hawkins, na kilala bilang si Kuya Escort, kaya marami ang nagtatanong tungkol sa dahilan ng absence niya.

 IMAGE Greg Hawkins Instagram

Sa Friday (September 21) episode ng It’s Showtime, ilang beses binanggit ni Vice Ganda na iba’t iba muna ang male talents na pumalit kay Greg at gumanap na Kuya Escort sa "Miss Q & A" portion dahil may problema pa sa papeles ng Korean-American na nangangarap magkaroon ng showbiz career sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

On Monday, September 24, mapapanood na uli si Hawkins sa It’s Showtime dahil naayos na ang Alien Employment Permit niya.

Lumabas kahapon ang working permit ni Hawkins, pero walang "Miss Q & A" ngayon kaya sa Lunes pa siya makakabalik sa noontime show ng ABS-CBN.

Sinabi ng Cabinet Files source na wala nang problema si Hawkins dahil hawak na ng legal department ng ABS-CBN ang kopya ng kanyang Alien Employment Permit.

Tiniyak ng informant ng Cabinet Files na hindi na magkakaroon ng isyu sa pagtatrabaho ni Hawkins sa Pilipinas dahil tatlong taon ang bisa ng working permit na ibinigay sa kanya ng Department of Labor and Employment at ng Bureau of Immigration.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results