Child actor Noel Comia Jr., pinapag-aral ni Lea Salonga

by Jojo Gabinete
Sep 22, 2018

Si Lea Salonga ang coach ng child actor na si Noel Comia Jr. sa 2016 edition ng The Voice Kids ng ABS-CBN.

Matagal nang tapos ang The Voice Kids, pero may komunikasyon at koneksyon pa rin si Noel kay Lea dahil ito ang nagpapaaral sa kanya.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal / Jojo Gabinete

Ang malaking utang na loob niya kay Lea at sa nanay nitong si Mrs. Ligaya Salonga ang ikinuwento ni Noel nang makausap siya ng Cabinet Files sa cast party ng Rainbow Sunset na ginanap sa clubhouse ng 68 Roces sa Quezon City kagabi, September 21.

"Nag-aaral po ako sa O.B. Montessori Center sa Greenhills. Scholar po ako ni Miss Lea Salonga.

"Nalaman niya na gusto kong mag-aral sa O.B.Montessori kaya pinag-aral niya ako," simula ni Noel.

Si Lea ay isa sa distinguished alumni ng naturang school.

Patuloy na kuwento ni Nol, "Coach ko po siya sa The Voice Kids Season 3 at nakatrabaho ko siya sa isang musical play.

"Last year lang po ako nagsimula na scholar ni Miss Lea. Lahat po, sagot niya.

"Ang mommy po ni Miss Lea na si Tita Ligaya ang kausap ko.

"Nakikipag-communicate po siya sa foundation ng school para sila ang magbubuo ng mga scholar.

Continue reading below ↓

"Dahil sina Miss Lea at Tita Ligaya ang mga sponsor ko, parang may influence na po ako ng show business kaya naiintindihan na po ng school administration kapag mag-a-absent ako ng certain days."

Grade 8 na si Noel ngayon at umaasa na scholar pa rin siya ni Lea hanggang makatapos siya ng high school.

Si Noel ang best actor ng 2017 Cinemalaya Independent Film Festival dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa Kiko Boksingero.

Continue reading below ↓

Ang Rainbow Sunset ng Heaven’s Best Entertainment, ang movie outfit ng aktres na si Harlene Bautista, ang bagong movie project ni Noel.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results