Ang Probinsyano, binigyan ng tribute sa ASAP kasabay ng third anniversary nito

by Jojo Gabinete
Sep 23, 2018

Dedicated ang kabuuan ng ASAP ngayong Linggo, September 23, sa 3rd anniversary celebration ng FPJ's Ang Probinsyano, ang prime-time television series ni Coco Martin sa ABS-CBN.

Nag-umpisa ang Ang Probinsyano noong September 28, 2015 at patuloy na namamayagpag sa ratings game hanggang ngayon.

Hindi lamang ang lead stars ng Ang Probinsyano ang binigyan ng importansiya dahil pinahalagahan din ang kontribusyon ng supporting cast na kasali sa mga production number na napanood sa Sunday musical-variety show ng Kapamilya Network.

Continue reading below ↓

May tribute para sa veteran actors na sina Susan Roces, Eddie Garcia, at Lito Lapid; may song number ang mga child star; may production dance number ang supporting cast.

Dahil sa dami ng mga artistang tinulungan ni Coco na isinali nito sa Ang Probinsyano, naging maliit sa paningin ang malawak na stage ng ASAP.

Continue reading below ↓

Nang awitin ni Gary Valenciano para kay Coco ang bagong theme song ng Ang Probinsyano, ang "Ililigtas Ka Niya," ang pamumungay ng mga mata ng bida ng Ang Probinsyano ang napansin ng televiewers.

Masiglang-masigla si Coco sa guesting nito sa ASAP kaya hindi napansing masama ang kanyang pakiramdam mula pa kahapon.

Naawa kay Coco ang mga nakakaalam na may trangkaso siya dahil kahit hindi may sakit, sinipot pa rin niya ang anniversary celebration sa ASAP, sa ngalan ng professionalism.

Pinasalamatan ni Coco ang lahat ng mga tumatangkilik sa Ang Probinsyano, ang kanyang co-stars at ang mga executive ng ABS-CBN dahil sa walang sawa na pagsuporta sa programa niya.

"Kahit umuulan, bumabagyo, basta ang importante, may ipalabas kami gabi-gabi.

"Alam po namin kasi na nakakapagbigay kami ng magandang inspirasyon para po sa lahat ng mga Pilipino," pasasalamat ni Coco.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results