Muling nabigo si Cloie Syquia Skarne na makuha ang Miss Universe Sweden crown dahil hindi siya pinalad na makuha ang pinakamimithing beauty title sa coronation night na ginanap sa Café Opera, Stockholm, Sweden, kagabi, September 23 (Monday morning, September 24, Philippine time)
First runner-up si Cloie at si Emma Strandbergh ang official representative ng Sweden sa Miss Universe 2018 na idaraos sa December 16 sa Bangkok, Thailand.
Tulad ni Cloie, hindi baguhan sa beauty contest si Emma dahil kapwa sila sumali sa Miss Universe Sweden 2016.
Si Cloie ang nanalo na Miss Earth Sweden 2016 at Miss World Sweden 2016 si Emma.
Kaya kakilala ni Emma nang personal si Miss World Philippines 2016 Catriona Gray dahil batchmates sila sa Miss World 2016 na ginanap sa Washington DC noong December 18.
Naging magkaibigan sina Catriona at Emma kaya nagkita sila nang magbakasyon sa Pilipinas noong April 2018 ang 22-year-old Swedish beauty queen.
Nang manalo si Catriona na Miss Universe Philippines 2018 noong March, isa si Emma sa mga tuwang-tuwa at nagpadala agad sa kanya ng mensahe na: “Oh my God Cat!!! You did it!! Can’t believe you’re going to represent your beautiful country in Miss Universe 2018!! First World and now Universe! I’m so proud of you!!! Big, big congrats to your coming journey & your phenomenal success, can’t wait to celebrate you ( sic)!”
Walang kamalay-malay si Emma na dalawang taon matapos ang Miss World 2016 coronation, magkalaban uli sila ni Catriona sa Miss Universe 2018.