Carmina Villarroel, papalitan si Regine Velasquez bilang host ng cooking show sa GMA-7

by Jojo Gabinete
Sep 24, 2018

Hindi na nag-renew ng kontrata si Regine Velasquez sa GMA Network, Inc. kaya tinapos na ang kanyang Saturday cooking show na Sarap Diva, na anim na taon din na napanood sa Kapuso Network.

Ang pagtatapos ng Sarap Diva ang kumpirmasyon sa nalalapit na pamamaalam ni Regine sa GMA-7 at paglipat niya sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓
Regine Velasquez and Carmina Villarroel
 IMAGE Noel Orsal

Mawala man si Regine sa Kapuso Network, mananatili pa rin ang cooking show na iniwan niya na may bagong pamagat, ang Sarap D Ba?.

Si Carmina Villarroel ang host ng Sarap D Ba? at kasama niya sa programa ang kanyang mga anak na sina Cassandra at Maverick.

Kung hindi magkakaroon ng mga pagbabago sa plano, mapapanood ang Sarap D Ba? simula sa third Saturday ng October 2018.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results