Sabrina M, inaming dahil sa barkada kaya siya nalulong sa drugs

by Jojo Gabinete
Sep 24, 2018

Ang pagpapasalamat sa Diyos ang unang-unang ginawa ng former sexy actress na si Sabrina M. nang lumaya ito mula sa kulungan noong September 18, 2018.

 IMAGE Screen grab from ABS-CBN

Nadakip si Sabrina M. sa isang buy-bust operation sa Quezon City noong September 25, 2016 at halos dalawang taon siyang nakapiit dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 (Dangerous Act of 2002).

Continue reading below ↓

"Nang makalabas ako noong September 18, nanalangin ako at nagpasalamat sa ating Ama dahil sa panibagong buhay na muli Niyang ibinigay sa akin.

"Maligayang-maligaya ako ako dahil nakasama ko agad ang mga anak ko [ages 15, 12 and 8).

"Sabik na sabik kasi ako na makasama muli ang mga anak ko.

"Traumatic yung makulong ako ng dalawang taon na malayo ang mga anak ko.

"Sanay kasi ako na nasa tabi ko ang mga anak ko," kuwento ni Sabrina sa Cabinet Files ngayong umaga tungkol sa itinuturing niya na traumatic experience habang nakakulong siya.

Ipinagtapat ni Sabrina M. na peer pressure, hindi depression ang dahilan ng pagkalulong niya sa masamang bisyo.

"Nadala lang ako sa barkada, hindi dahil sa depression.

"Talagang maling mga barkada ang nasamahan ko at masasabi ko na ang pagkakamali ko talaga ay dapat hindi ako nagpadala sa hindi magandang bisyo."

Ngayong malaya na siya, umaasa si Sabrina M.na makakabalik pa siya sa showbiz.

Continue reading below ↓

Pero kung hindi, plano niya na magnegosyo.

"Sana makabalik pa ulit ako sa showbiz kasi kailangan ko rin makabawi sa dalawang taon na nawala sa buhay ko.

"Kung hindi ako makabalik sa showbiz, iniisip ko na mag-business.

"Mas malapit ako ngayon sa Panginoon dahil alam ko na Siya ang tanging kakampi at kasama ko nung mga panahon na nasa ganoong sitwasyon ako.

"Nakakalungkot talaga ang nangyari sa buhay ko pero ang importante ngayon, ang bagong buhay na dumating muli sa akin," positibong pananaw at paniniwala ni Sabrina M.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results