Sharon at Gabby, hindi nagpang-abot sa Gabay Guro event; Maymay, nakita ulit ang teacher niya mula CDO

by Jojo Gabinete
Sep 24, 2018

Nabigo ang mga teacher na umasang mapapanood nilang magkasama sa stage ang ex-couple na sina Gabby Concepion at Sharon Cuneta sa Grand Gathering and 11th anniversary celebration ng Gabay Guro na ginanap sa Mall of Asia Arena kahapon, September 23.

 IMAGE @reallysharoncuneta / @concepciongabby Instagram

Magkahiwalay ang mga song number at hindi rin nagpang-abot sa MOA Arena sina Gabby at Sharon kaya hindi natupad ang pangarap ng fans na makitang magkasama ang dalawa sa mismong araw ng kanilang supposed 34th wedding anniversary.

Continue reading below ↓

Ikinasal sina Sharon at Gabby sa Manila Cathedral noong September 23, 1984.

Unang nag-perform si Gabby, at nakaalis na siya nang dumating si Sharon kasama ang second husband nitong si Senator Francis Pangilinan.

Sinabi ni Sharon na malaking karangalan para sa kanya na maging bahagi ng pagtitipon ng mga guro dahil malapit siya sa kanyang mga teacher mula grade school.

Meanwhile, nasorpresa ang young star na si Maymay Entrata dahil sa hindi inaasahang pagkikita nila sa Gabay Guro ng teacher niya noong nag-aaral pa siya sa Cagayan de Oro.

Continue reading below ↓
 IMAGE Courtesy of Ambet Nabus

Ayon ito sa eyewitness na si Ambet Nabus, ang entertainment writer at radio host na isa sa mga emcee ng PLDT sponsored- event.

Nang umakyat sa stage si Maymay at ang kanyang ka-love team na si Edward Barber, nagtanong siya agad sa audience kung may mga guro na representative ang Cagayan de Oro.

Gulat na gulat si Maymay nang magtaas ng kamay ang isang grupo ng teachers na kinabibilangan ng guro niya noong high school.

Pupuntahan sana ni Maymay ang kanyang teacher sa puwesto nito, pero pinakiusapan na lang ang guro na makipagkita sa backstage sa estudyante niyang sikat na sikat na ngayon.

Sinabi ni Ambet sa Cabinet Files na maligayang-maligaya at halos maiyak ang teacher ni Maymay sa chance encounter nila.

Marami ang natuwa sa kagandahang-asal at respeto na ipinakita ni Maymay sa teacher niya.

Kapuri-puri ang humility ni Maymay na hindi nagbabago ang ugali sa kabila ng popularidad na tinatamasa niya sa kasalukuyan.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results