Mga anak ni Bong Revilla, malakas ang paniniwalang malapit na siyang makalaya

by Jojo Gabinete
Sep 25, 2018

Ngayong araw, September 25, ang 52nd birthday ni former Senator Bong Revilla Jr.

Si Bong ang may idea na muling maging aktibo sa paggawa ng pelikula ang kanilang family-owned movie company, ang Imus Productions, at magbida sa Tres ang kanyang mga anak na sina Bryan, Jolo, at Luigi Revilla.

Continue reading below ↓
Jolo, Luigi, and Bryan Revilla
 IMAGE Jolo Revilla Instagram

Physically absent man si Bong sa grand presscon ng Tres kahapon, September 24, hindi nakalimot ang mga anak niyang magbigay ng birthday message at ikuwento ang kanyang mga kabutihan bilang ama.

Ayon kay Bryan, "For the past few films that we did for Imus Productions, kasama namin lagi siya, and the fact na hindi namin siya kasama, medyo iba yung feeling.

"Four years na rin siya sa loob ng Camp Crame. Of course, malungkot.

"Pero even though malungkot, we still have high spirits knowing the fact na we know that one day, everything’s gonna get better."

Sabi naman ni Luigi, "It’s been hard for us also.

"Even if he’s inside right now, todo pa rin ang suporta niya sa amin.

"Since Day 1, nandoon siya from the scriptwriting, he approves everything, although hindi niya puwedeng makita ang lahat.

"Kasi siyempre bawal naman mapanood yung movie, bawal ang cellphones.

"Pero ikinukuwento na lang namin at ng directors kung paano ang istorya, how’s everything going, and proud naman siya sa amin.

Continue reading below ↓

"Never siyang nagkulang sa amin.

"He was there to support us and we’re just really happy and blessed that he gave us the opportunity to topbill in our own movies."

Sa tatlong Revilla boys, si Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang nagbigay ng update tungkol sa kasong kinasasangkutan ni Bong.

"Alam namin na malapit na, pero ayaw naming pangunahan yung husgado.

"But we all know, lumabas na yung mga dapat lumabas.

"Lumabas na rin yung katotohanan, prayers na lang," ang makahuluganng mga salita na binitiwan ni Jolo, na sinusundan ang mga yapak ni Bong sa mundo ng pulitika at showbiz.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results