Faith da Silva, hindi dinadalaw ang ama at dating aktor na si Dennis da Silva sa kulungan

by Jojo Gabinete
Sep 25, 2018

Kung mahal na mahal nina Bryan, Jolo, at Luigi Revilla ang kanilang ama na si former Senator Bong Revilla Jr., iba naman ang nararamdaman ni Faith da Silva para sa biological father niya, ang jailed actor na si Dennis da Silva.

Continue reading below ↓
Dennis da Silva and Faith da Silva
 IMAGE Screen grab from GMA-7 / Jojo Gabinete

StarStruck 6 alumna si Faith, contract star siya ng GMA Artist Center, at mainstay ng Ika-5 Utos, ang afternoon drama series ng GMA Network Inc.

Special guest si Faith sa grand launch ng Japanese brand na Naturactor Make Up and Skin Cosmetics na popular sa local stars.

Ginanap ang big event ng Naturactor sa Hive Hotel noong September 22, at dito nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap ang young actress/commercial model tungkol sa kanyang estranged father.

Labinlimang taon nang nagdurusa si Dennis sa Pasig City Jail dahil sa multiple rape charges na isinampa noong 2002 ng kanyang stepdaughter na naanakan niya.

Eighteen years old na ngayon si Faith na huling nakita si Dennis noong dalawang taon pa lamang siya.

Until now, hindi pa nadadalaw ni Faith si Dennis sa kulungan nito, pero nakakapag-usap sila sa cell phone sa tuwing dumadalaw sa former actor ang stepmother niyang si Tina da Silva.

Continue reading below ↓

"Yung pagkikita namin, ayokong sabihin na hindi ako ready, pero parang ganoon.

"Kung sa akin, mahirap. Parang you wouldn’t feel na may koneksiyon kayo.

"For example, like me and my mom. Iba yung relationship namin kasi kasama ko siya habang lumalaki ako.

"Siya yung nandiyan for me, unlike my dad.

"I know he’s my dad by blood, pero yung relationship namin parang hindi nabuo because we didn’t see each other while I was growing up," paliwanag ni Faith tungkol sa hindi nito pagbisita at pakikipagkita kay Dennis.

Pero diin niya, "Of course, I love him. Tatay ko siya.

"Siya ang nagbigay ng pangalan na 'to. Kung hindi rin dahil sa kanya, hindi ako mapapansin.

"Kahit sabihin ng iba, hindi siya nakakaganda sa paningin, hindi naman talaga medyo okey yung image ni Papa, pero he’s my dad, e.

"Dala-dala ko pa rin ito kahit saan ako magpunta," dagdag na pahayag ni Faith, na in demand commercial model bago siya sumali sa StarStruck noong 2015.

Continue reading below ↓

Nang magdiwang si Faith ng 18th birthday noong April 2018, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Dennis.

Medyo nabasag ang boses at muntik nang maging emosyonal si Faith nang sabihin nito ang birthday message sa kanya ng ama niya.

"He actually messaged me na although we’re apart, he always loves me.

"Noong bata pa ako, matanong ako. Tinanong ko siya, 'Why did you leave us?'

"He apologized and nararamdaman ko naman na mahal niya ako.

"Yung sitwasyon lang [ang naging problema], pero sa pagmamahal, alam ko na love ko siya, at siya naman, love niya ako."

Trivia: May koneksiyon si Faith kina Bryan at Jolo Revilla dahil sa kanyang kuwento na pinsan ni Dennis si Lani Mercado, kaya tita niya ang aktres na incumbent mayor ng Bacoor City.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Faith Da Silva
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results