Derrick Monasterio, umamin sa "doing-it-while-driving" experience niya

by Jojo Gabinete
Sep 26, 2018

Nawala ang pagiging prim and proper ni Derrick Monasterio sa kalagitnaan ng presscon ng pelikulang Wild & Free kagabi, September 25, dahil naging kumportable na siya sa entertainment press na nagtanong sa kanya ng mga sexy question.

 IMAGE Derrick Monasterio Instagram

Nang hingin ang reaksiyon ni Derrick tungkol sa claim ni Sanya Lopez na donselya pa ito, pabirong nagsalita ang aktor na hindi siya naniniwalang virgin pa ang leading lady niya dahil sa husay na ipinakita nito sa mga intimate scene nila sa sexy drama movie ng Regal Entertainment Inc. na may playdate sa October 10.

Continue reading below ↓

"Ganoon siya kagaling umarte," sabi ni Derrick.

Inamin naman ng Kapuso hunk ang ginawang kahalayan sa loob ng kanyang tinted car ang wildest experience niya na hindi nalalayo sa intimate scene nila ni Sanya sa Wild & Free.

"Doing it while driving. Wala, e, yun talaga. Doon talaga inabutan sa traffic," ang matter-of-factly na sagot ni Derrick nang usisain tungkol sa wildest thing na ginawa niya sa tunay na buhay.

Hindi nag-iisa si Derrick sa kanyang karanasan na puwedeng isisi sa parusa na traffic situation sa Metro Manila dahil sa sari-saring naiisip na gawin ng mga naiinip na motorista para malibang ang sarili at mabawasan ang pagkabagot nila.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results