The Clash finalist Jong Madaliday, sumali na sa singing contest noon ng It's Showtime

by Jojo Gabinete
Sep 26, 2018

Kung simpatiya ang paiiralin, malaki ang tsansa ni Jong Madaliday na maging champion sa grand finals ng The Clash sa darating na Linggo, September 30.

Si Jong ang binansagang "Trending R&B Star ng North Cotabato" dahil sa kanyang mga YouTube video na sinimulan niya noong 15 years old pa lamang siya.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

Talented R&B singer si Jong kaya hindi nakakagulat na kasali siya sa Top 6 finalists ng singing competition ng GMA-7.

Hindi kinontra ni Jong ang aming tanong kung bakit sa husay niyang kumanta, ngayon lamang siya sumali sa mga singing competition ng mga major television network.

"Natagalan po kasi after the YouTube sensation, nag-stay ako sa probinsiya na malayo, sa North Cotabato," paliwanag ni Jong tungkol sa diumano’y natagalan na pagsali niya sa isang singing contest.

"Parang naramdaman ko lang po na kailangan ko na mag-audition.

"Lumuwas po ako ng Maynila noong May 3. Noong magpunta ako dito, ako lang po.

"Ten thousand pesos po yung ticket sa eroplano and then, yung dala kong pera is P1,000.

"Ang inasahan ko lang is yung allowance namin na P3,000.

"Nakaluwas po ako ng Maynila dahil nangutang sa 5-6 ang Mama ko.

"Nagbabayad po ako ng bahay sa Ermita. Wala po akong pamilya sa Maynila," kuwento ni Jong tungkol sa history ng pagluwas niya sa Maynila para sumali sa The Clash.

Continue reading below ↓

Nangako si Jong na gagalingan nito sa grand finals ng The Clash para makuha niya ang house and lot, brand new car, at cash prize na one million pesos na napakalaki na tulong para sa kanyang pamilya.

"Kapag nanalo ako, yung kalahati, ibibigay ko sa nanay ko yung bahay.

"Gagawin ko ito para sa kanila at para sa sarili ko. Confidence lang talaga ang kailangan," sabi ni Jong.

Nakuha na sana ni Jong ang complete sympathy and trust ng Cabinet Files dahil sa kanyang sob story, pero nalaman naming hindi ang The Clash ang unang singing contest na sinalihan niya.

Naging contestant na siya noon ng "PINASikat," isa sa mga dating segment ng noontime show na It’s Showtime, bilang lead singer ng grupong BMP.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results