Carlo Aquino, masuwerte sa takilya ngayong taon

by Jojo Gabinete
Sep 27, 2018

Taon ni Carlo Aquino ang 2018 dahil tatlong pelikula niya ang ipinalabas sa mga sinehan: Meet Me in St. Gallen, Goyo: Ang Batang Heneral, at Exes Baggage.

 IMAGE Noel Orsal

Certified hit ang Meet Me in St. Gallen na may box-office gross na P75 million at positive naman ang reviews sa Goyo.

Continue reading below ↓

Nagbukas sa mga sinehan ang Exes Baggage kahapon, September 26.

Ayon sa mga producer ng pelikula, PHP21 million ang first day gross ng reunion movie ni Carlo at ng kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban.

Walang kumuwestiyon sa figures na inilabas ng mga producer ng Exes Baggage dahil nadagdagan din ang bilang ng mga sinehan na pinagtatanghalan ng Carlo-Angelica starrer; isang patunay na pinipilahan ito ng moviegoers.

Box-office rival ng Exes Baggage ang Hollywood movie na Peppermint dahil kahapon din ang unang araw nito sa mga sinehan.

Si Jennifer Garner ang lead actress ng American vigilante action film.

Continue reading below ↓

Magugustuhan ng loyal viewers ng FPJ's Ang Probinsyano ang Peppermint dahil walang ipinagkaiba ang vigilante character ni Garner sa Cardo Dalisay role ni Coco Martin sa prime-time teleserye ng ABS-CBN.

"Male Cardo Dalisay" si Garner sa Peppermint dahil parang immortal siyang hindi maitumba ng kanyang mga naglalakihang kalaban na mga miyembro ng drug cartel.

Gaya ni Cardo Dalisay, ipinaghiganti ni Riley North (ang pangalan ni Garner sa Peppermint) ang pamilya niya na pinaslang ng drug syndicate.

Pinupuri ng mga film critic ang performance ni Garner sa Peppermint at ganito rin ang reaksiyon ng mga nakasabay namin sa panonood ng pelikula, na binigyan ng R13 classification ng MTRCB dahil sa violent and bloody scenes.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results