Alfred Vargas at Yasmine Espiritu, nakapili na ng pangalan para sa kanilang ikatlong anak

by Jojo Gabinete
Sep 27, 2018

Alfredo IV ang pangalang ibibigay ni Quezon City District House Representative Alfred Vargas at ng kanyang misis na si Yasmine Espiritu-Vargas sa kanilang baby boy na isisilang sa January 2019.

 IMAGE Yasmine Espiritu-Vargas Instagram

Dahil nag-aaral ang kanilang mga anak na sina Alexandra at Aryana (ages 6 and 7, respectively), na kapwa ipinanganak sa Italy, napagkasunduan ng mag-asawa na magsilang si Yasmine sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

"I'm due in January 2019. This time, I’ll give birth here sa Pilipinas.

"Hindi ko kasi puwede iwan ang mga kids nang matagal at hindi ko sila puwede isama sa Italy dahil nasa grade school na sila," sabi ni Yasmine sa Cabinet Files.

Kasama ni Yasmine si Alfred sa check-up niya sa kanyang OB-Gyne noong August 10, at dito nila nalamang baby boy ang ipinagbubuntis niya.

"Pagkasabi ng doktora na boy, umiyak at tawa nang tawa si Alfred. Super cute niya!

"'Tapos parehas na kami umiiyak at tumatawa. Super special!" sagot ni Yasmine nang itanong ng Cabinet Files ang reaksiyon ni Alfred nang malaman nito na male ang gender ng bunso nila.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results