Pia Wurtzbach, hindi tinanong tungkol sa rumored breakup nila ni Marlon Stockinger

by Jojo Gabinete
Sep 27, 2018
PHOTO/S: Jeremiah Idanan

Maingay ang balita, for the nth time, na hiwalay na uli sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ang kanyang Fil-Swiss Formula driver na si Marlon Stockinger.

 IMAGE Noel Orsal ILLUSTRATION Jeremiah Idanan

Pero iginalang ng entertainment press ang nararamdaman ng former beauty queen na nakausap nila ngayong hapon, September 27, sa opening at blessing ng Empire Studios, ang modern institution na bagong business venture nila ng talent manager at beauty-queen maker na si Jonas Gaffud.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jojo Gabinete

Walang nagtanong kay Pia tungkol sa current status ng relasyon nila ni Marlon dahil nag-focus ang entertainment press tungkol sa Empire Studios at ang nalalapit na pagkakaroon ng former Miss Universe ng life-size wax figure sa Madam Tussauds Hong Kong.

Bilang isa sa mga may-ari ng Empire Studios, ibinigay ni Pia ang assurance na isa siya sa mga tutulong sa training ng mga nangangarap na maging model at beauty queen.

"This is a place or space for everyone for their creative process.

"Definitely, I will have some participation in some of the workshops here. We’re gonna announce which workshops specifically I will be a part of.

"Definitely, there’s gonna be a make-up class and maybe, a little pep talk for anybody who wants to join a beauty pageant," paliwanag ni Pia tungkol sa multi-purpose studio sa second floor ng Uptown Mall, Fort Bonifacio, Taguig City.

"It’s gonna be next year" naman ang sagot ni Pia nang tanungin tungkol sa target launch date ng wax figure niya sa Madam Tussauds Hong Kong.

Continue reading below ↓
 IMAGE @madametussaudshongkong on Instagram

"I’m so excited and honored nung malaman ko na gagawin ko siya.

"Sobrang excited ako kasi kahit ako, nakapunta na ako doon. Nakapag-ikot na ako sa Hong Kong and sa Vegas.

"So, masaya talaga. Alam ko ang experience nun and just to imagine that I’ll be one of the celebrities that were chosen to be part of that is really an honor. Ang saya ng feeling.

"Excited ako na makita siya kasi iniisip ko na five years later o ten years later, if it’s gonna be there, puwede ko siyang balikan, makikita ko yung sarili ko, di ba?" pahayag ni Pia.

Nabigyan ng karangalan si Pia bilang kauna-unahang Pilipino na magkakaroon ng life-size wax figure sa Madam Tussauds Hong Kong.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
PHOTO/S: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results