Maricris Garcia, lakas-loob na sasabayan ang concert ni Sharon Cuneta

by Jojo Gabinete
Sep 28, 2018

Hindi maiwasan ni Maricris Garcia na kabahan dahil isang malaking concert ang kasabay ng kanyang 11th anniversary show sa Teatrino Promenade Greenhills ngayong gabi, September 28.

Ito ay ang 40th anniversary ng Megastar na si Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum.

Pero malaking tulong daw ang suporta ng mga nagmamahal at naniniwala sa kakayahan ni Maricris.

Continue reading below ↓
 IMAGE Maricris Garcia Instagram

Saad ng Kapuso singer, "Pinag-isipan ko rin nang matagal kung kailan ko ba gagawin yung concert.

"Honestly, sobrang tagal ko nang pinapangarap itong concert na 'to.

"Una ko sanang balak, last year, kasi sakto sa 30th birthday at 10th anniversary sa showbiz, so talagang may reason to celebrate.

"But since I got married last year, hindi ko napagtuunan ng pansin.

"Nalaman ko po kasabay ko si Miss Sharon Cuneta. Oh my gosh, paano ko naman sasabayan si Miss Sharon Cuneta?!"

Patuloy ni Maricris, "Dahil na rin sa mga tao sa paligid ko na nagsabi na, 'Kaya mo 'yan, okey lang 'yan, tutulungan ka namin, we will support you,' sila na rin ang nagpalakas ng loob ko na ituloy ko pa rin ang Mar1cr1s.

"Basta ibibigay ko ang lahat ng kaya kong ibigay sa araw na yun para ma-entertain ang lahat."

Ang Mar1cr1s ang first ever solo concert ni Maricris, at siya rin ang producer ng show na hindi naging madali para sa kanya.

Continue reading below ↓

"This is my first time to produce a show so I must say hindi siya madali.

"Everything is new to me, I really have no idea what to do, so I keep on asking people on what is needed, who do I talk to, where do I get this and that.

"But thank God there are a few people who willingly shared their knowledge, time, and effort in helping me put up this show."

Sina Mark Bautista at Regine Velasquez ang mga special guest ni Maricris sa pinagsamang anniversary at birthday concert niya na magaganap sa Teatrino Promenade Greenhills ngayong gabi.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Sharon Cuneta
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results