"Perya" sa Meycauayan, Bulacan ipinangalan kay Pia Wurtzbach

by Jojo Gabinete
Sep 28, 2018

"Nakapunta ka na ba sa happiest place in the world, the universe, rather?"

Ito ang itinanong ng Cabinet Files kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa blessing at opening ng Empire Studios, ang joint venture nila ng kanyang mentor at manager na si Jonas Gaffud, kahapon, September 27.

Continue reading below ↓
 IMAGE Pia Wurtzbach Instagram

"Sa Disneyland, yes!" nakangiting sagot ni Pia.

Pero napalitan ng pagtataka ang kanyang reaksyon sa aming sagot na, "Hindi! Sa Meycauyan, Bulacan."

Para hindi na malito si Pia, ipinakita namin sa kanya ang litrato ng Perya Wurtzbach, The Happiest Place in the World, the Universe, rather, isang "perya" sa Meycauyan, Bulacan.

Continue reading below ↓

"Totoo ba ‘yan?" ang hindi makapaniwalang sabi ng former Miss Universe, na tiningnan at sinuring mabuti ang litrato ng karnabal na ipinakita namin sa kanya.

"Mapuntahan nga iyan!" nakangiting sabi ni Pia tungkol sa perya na ipinangalan sa kanya.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, pia wurtzbach
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results