Sharon Cuneta hinikayat si Boss Vic at ABS-CBN na bilhin ang Madam Chairman

by Jojo Gabinete
Sep 29, 2018

Emosyunal ang multi-awarded movie and television director na si Joel Lamangan sa anniversary message niya para kay Sharon Cuneta.

Sa VTR message ni Joel na ipinalabas kagabi, September 28, sa My 40 Years, ang 40th anniversary concert ni Sharon sa Smart Araneta Coliseum, sinabi niyang hindi magagawa ang kasaysayan ng Philippine showbiz kung wala ang pangalan ng Megastar.

"Hindi mabubuhay ang industriya, hindi magagawa ang kasaysayan ng industriya na hindi babanggitin ang isang Sharon Cuneta,” ang mensahe ni Joel na nagpasalamat dahil naging bahagi siya ng 40 years sa industriya ng singer-actress.

Continue reading below ↓
 IMAGE Kim Lo Lee

Si Joel ang direktor ng Madam Chairman, ang drama series ni Sharon sa TV5 noong 2013.

Ayon sa Megastar, maganda ang proyekto pero wala gaanong nakapanood nito noon. Kaya sinabi niya kay VIVA Films producer Boss Vic del Rosario na bilhin ang five-year-old series para maipalabas sa Kapamilya Network.

Hindi natapos ang kontrata ni Sharon sa TV5 pero hindi niya nakalimutang magpasalamat sa Kapatid network na naging tahanan niya sa loob ng tatlong taon.

"Magpapasalamat din po ako sa TV5, napakaganda naman po ng Madam Chairman kahit po walang nakanood kasi yung signal po namin, may problema, hindi naman po yung show.

"Pero salamat po, salamat sa inyo. Puwede bang bilhin ng Dos yung Madam Chairman para may makanood? Ang ganda nun, e. Joel Lamangan at Joey Reyes yun, e.

"Boss Vic, bilhin natin para may makakita. "But thank you so much, thank you. PLDT, joke lang po. I love you!"

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Sharon Cuneta
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results