Sharon Cuneta recalls the time when "wala na pong pumapansin sa akin"

by Jojo Gabinete
Sep 29, 2018

Ang dalawang beses na pagkakaroon ni Sharon Cuneta ng miscarriage ay bago sa pandinig ng kanyang mga tagahanga.

Ipinagtapat niya ito kagabi, September 28, sa 40th anniversary concert niya sa Smart Araneta Coliseum.

"Within six months, I lost two babies. I named them Andrea and Rafael (or Raphael ). I told Kiko, actually, within five years, kung hindi pa kita nabibigyan ng anak, please bumalik na tayo," ang kuwento ni Sharon tungkol sa malungkot na bahagi ng buhay niya noong manirahan sila ni Senator Kiko Pangilinan sa Boston, Massachusetts, USA.

Continue reading below ↓
Sharon and her children (L-R) Miel, Frankie, Miguel, and KC Concepcion
 IMAGE @thearanetacoliseum on Instagram

Naging emosyunal din si Sharon nang magpasalamat sa lahat ng mga tumangkilik sa My 40 Years dahil hindi pa niya nalilimutan ang ayon sa kanya ay flop concert nila ni Martin Nievera sa same venue noong February 2012, dahil kulang na kulang sa promo at publicity ang show.

Hindi naiwasan ni Sharon na magkaroon ng kaba para sa anniversary concert niya dahil sa resulta ng concert nila ni Martin, pero nawala ang lahat ng mga agam-agam ng Megastar nang malaman nito noong Huwebes, September 27, ng gabi na sold-out ang tickets ng My 40 Years kaya lubos ang kanyang pasasalamat at pagdakila sa Diyos.

"You know, one year ago, ilang taon na po yung nagdaan hanggang just one year ago, wala na pong pumapansin sa akin," ang mangiyak-ngiyak na sabi ni Sharon.

"ABS-CBN lang po ang nagsali sa akin sa shows na The Voice, Your Face Sounds Familiar. Wala na akong commercials. Noong araw, halos every week, may shooting ako ng commercial, nakapagpagawa ng bahay, ang daming naibigay ng Panginoon at ng career ko.

Continue reading below ↓

"Even when I did Ang Pamilyang Hindi Lumuluha, I’m proud of that movie even if it didn’t make money. I’m so proud of that movie.

"And then it started. Here came Unexpectedly Yours with Robin Padilla, my partner in crime. Concerts in the provinces, concert after concert. Sold-out after sold-out and a new CD from Star Music.

"Star Cinema, ABS-CBN, Star Music, now a new movie, Star Cinema again, I’m gonna talk with Boss Vic for Viva, I have a meeting with the Monteverdes, I can’t believe!

"I’m 52, and God is just blessing me and blessing me because He blessed me, first and foremost, with all of you," ang pasasalamat ni Sharon sa mga tagahanga niya.

"You know, usually, when a star is waning, the fans go to someone else. Ang dami pong batang bago, hindi niyo ako iniwan…" ang parang bata na humihikbi na sabi ni Sharon.

"You know, I have been loyal to my craft. I’ve been loyal to my station, I’ve been loyal to my friends in the business, I’ve been loyal to my family and friends who will attest that I have never changed, never, not once.

Continue reading below ↓

"Ang magpapalit lang po sa akin, tataba, papayat, tataba, papayat, tataba, papayat…Ito kasing si Miguel, sa kanya po ako pinakatumaba. Hindi ko naman dinala, but he’s from my heart. My son is a blessing. He’s a joy.  I’m so proud to be his mother. That’s why pala God didn’t give me a son in my tummy because he was sending Miguel. Son, I’m proud of you. I’m proud of my Frankie, I’m proud of my Miel…"

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story β†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results