Vice Ganda, binigyan ng maagang pamasko ang Tawag ng Tanghalan contestant

by Jojo Gabinete
Sep 29, 2018

Maagang pamasko ang natanggap ng "Tawag ng Tanghalan" contestant na si Girlie Las Piñas dahil inako ni Vice Ganda ang pagpapagawa ng artificial feet ng kanyang asawa na nagkaroon ng sakit kaya pinutulan ng mga paa.

Iyak nang iyak si Girlie dahil sumali ito sa "Tawag ng Tanghalan" ng It’s Showtime sa pagbabaka-sakaling mananalo siya para maipagpagawa niya ng prosthesis o artificial feet ang kanyang wheelchair-bound husband.

Continue reading below ↓
 IMAGE Screen grab from It's Showtime

“Salamat po, salamat Vice, hulog ka ng langit sa amin,” ang lumuluhang pasasalamat ni Girlie kay Vice Ganda na marami nang natutulungang contestant sa noontime program ng ABS-CBN.

(A few weeks ago, nagprisinta si Vice Ganda na sagutin ang gastos sa pag-aaral ng isang gay contestant ng Miss Q & A na nangangarap magkaroon ng college degree).

“Kung hindi po ako nakapunta dito, baka ngayon, hindi pa rin ma-realize ang dream ko na makapagpagawa ng artificial feet yung asawa ko,” sabi ni Girlie.

Para gumaan naman ang madramang sitwasyon, nagbiro si Vice at humirit ng, “ Artificial feet?

“Dalawa po ba yung ipapagawa ko? Kasi isa lang ang plano ko.

“So dalawa ho? Isa lang muna.”

Iyak din nang iyak ang dalawang anak na babae ni Girlie na umakyat sa stage ng It’s Showtime para personal na pasalamatan si Vice Ganda

“Lumaki akong walang kasamang tatay.

“Kayo, ang suwerte ninyo kasi may kasama kayong tatay.

Continue reading below ↓

“Buhay pa siya, kaya yung hindi ko na-experience sa tatay ko, sana ma-enjoy niyo pa at ma-e-enjoy niyo yan kung nakakalakad siya, kasama kayo.

“I-enjoy ninyo ang tatay niyo para sa akin,” ang naluluhang mensahe ni Vice Ganda sa mga anak ni Girlie.

Hindi lamang sina Vice, Girlie at ang dalawang anak nito ang emosyonal dahil iyak din nang iyak ang "Tawag ng Tanghalan" hurado na si Dulce.

Hindi napigilan ni Dulce ang mapaluha dahil namukhaan at nakilala niya si Girlie.

Ayon kay Dulce, magaling na singer si Girlie sa Cebu at ito ang madalas na nananalo sa mga singing contest na sinasalihan nila noong mga bata pa sila.

Dobleng suwerte ang dumating kay Girlie dahil bukod sa tulong na ibibigay ni Vice sa asawa niya, siya rin ang tinanghal na daily winner sa Saturday edition ng Tawag ng Tanghalan.

Read Next
Read More Stories About
Vice Ganda, Tawag ng Tanghalan
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results