Marco Gumabao, nagsinungaling tungkol sa "pipino issue"?

Sa presscon ng Para sa Broken Hearted noong September 18, sinabi ni Marco Gumabao na gumamit ito ng pipino sa swimming pool scene niya sa Abay Babes para magmukhang well-endowed siya.

IMAGE Bench Body Instagram / Marco Gumabao Instagram

According to Marco, pumayag siya sa idea na gamitin ang pipino para maging nakakatawa ang eksena dahil comedy movie naman ang unang pelikula niya sa Viva Films bilang contract star ng Viva Artists Agency.

Nabasa ng isang malapit kay Marco ang report ng PEP.ph noong September 18 na may pamagat na “Marco Gumabao, umaming nilagyan ng pipino ang hinaharap para magmukhang malaki” at kinontra niya ang claim ng aktor.

Read: Marco Gumabao, umaming nilagyan ng pipino ang hinaharap para magmukhang malaki

Ipinaliwanag ng malapit kay Marco na nahihiya itong aminin ang totoo kaya sinabi na lang nitong gumamit siya ng pipino.

“Legit po yung eksena. Legit talaga pero ayaw niya lang i-admit dahil ayaw ni Marco na pag-usapan.

"Ayaw niya sabihin na totoo yun," nahihiyang pag-amin ng confidante ni Marco, na hindi sanay na pinag-uusapan ang body parts ng aktor.

Ngayong gabi, October 1, ang red-carpet premiere ng Para sa Broken Hearted sa Cinema 7 ng SM Megamall kaya malamang na ang “pipino issue” na naman ang itanong kay Marco sa media coverage ng pelikula nila nina Yassi Pressman, Shy Carlos, Sam Concepcion, at Louise delos Reyes na mapapanood sa mga sinehan simula sa darating na Miyerkules, October 3.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN