Anne Curtis, Mother Lily, Regine Velasquez nagbigay ng donasyon sa Bantay Bata 163

Si Anne Curtis at ang Regal Entertainment, Inc. producer na si Mother Lily Monteverde ang ilan sa maraming nagbigay ng donasyon para sa Children’s Village sa Norzagaray, Bulacan.

Anne Curtis Lily Monteverde Regine Velasquez
IMAGE Noel Orsa; / Mark Atienza

Ang Children’s Village ang isa sa mga project ng Bantay Bata 163, ang sole beneficiary ng star-studded ABS-CBN Ball 2018 na ginanap sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La noong Sabado, September 29.

Ang Children’s Village ang tahanan sa Bulacan ng mga bata na biktima ng pang-aabuso na tinutulungan ng Bantay Bata 163

Isang milyong piso ang ibinigay ni Mother Lily sa Bantay Bata 163.

Hindi na bago kay Mother Lily ang pagtulong dahil isang milyong piso rin ang halaga ng surprise donation niya sa Movie Workers Welfare Foundation Inc. (MOWELFUND) nang magdiwang siya ng 77th birthday noong August 19, 2016.

Nangako naman si Regine Velasquez na magkakaroon uli ito ng benefit concert para sa Bantay Bata 163 na itataon niya sa kanyang kaarawan sa April 2019, kaya lalong tumindi ang mga speculation na lilipat na siya sa ABS-CBN.

For the record, may balita man o wala na aalis na siya sa GMA-7,dati nang tumutulong si Regine sa Bantay Bata 163 dahil ito ang beneficiary ng One Night with Regine Velasquez, ang concert niya sa Rizal Park noong April 26, 2002.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN