Mister ni Nadine Samonte, nasa "state of shock" dahil sa pagbubuntis muli ng aktres

Buntis si Nadine Samonte sa second child nila ni Richard Chua, ang anak ng aktres na si Isabel Rivas.

Sorpresa kay Richard ang muling pagbubuntis ni Nadine dahil wala pa sa kanilang planong masundan agad ang two-year-old daughter nila na si Heather.

IMAGE Richard Chua Instagram

Nagtataka si Richard dahil ilang araw nang nagsusungit sa kanya si Nadine hanggang malaman niya ang ugat ng unpredictable moods ng aktres.

"Still in a state of shock.....totally unplanned but it’s what I’ve been wanting, thank you so much Lord!

"Only you can deliver a miracle of this magnitude, I can never complain sa life na binigay mo sa akin.

"Thank you! Thank you! Thank you," reaksyon ni Richard tungkol sa current condition ni Nadine.

Ikinatuwa rin ni Isabel ang nalalapit na pagkakaroon nito ng bagong apo at ibinahagi niya agad ang good news sa kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng social media.

"Father God...You are awesome. Jesus Christ You alone are my savior & You’re the giver of life. I’m thankful & grateful. Praise & glory to You Jesus.

"Sharing my joy to you my friends," pahayag ni Isabel, na isang happy lola dahil ang apo na si Heather na kahawig na kahawig niya ang sentro ng kanyang mundo.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN