Babaeng broken-hearted, "sinumbatan" si Senator Sonny Angara

Walang kinalaman sa pelikulang Para sa Broken Hearted ng Viva Films ang viral short film ng VinCentiments, ang Home of Hardcore Philippine Short Films ni Darryl Yap, na writer at director din ng KPL o Kung Puwede Lang, ang viral hugot short film tungkol sa unspoken sentiments ng isang estudyante laban sa mga guro.

Ngayong araw, October 3, ang opening day sa cinemas nationwide ng Para sa Broken Hearted at nagkataon lang na halos kasabay nito ang uploading sa social media ng short film na tinatampukan ni Joyce Magcalas at may special participation ni Senator Sonny Angara.

#PMS3 Broken-Hearted Philippines ang pamagat ng bagong hugot short film ng VinCentiments.

Tungkol ito sa isang babaeng nagtatanong kay Angara ng batas para sa mga katulad niyang sawimpalad sa pag-ibig.

Sinumbatan ni Magcalas ang nagulat na si Angara na pinababayaan nito ang mga broken-hearted dahil walang batas para sa kapakanan nila.

“Sorry?” ang nagtataka na sagot ni Angara nang marinig nito ang paratang ni Magcalas na naglitanya ng:

"Ayoko na pong sumagot ng sorry, Senator. Hindi naman gumagana 'yan, e! Pagod na pagod na po akong magpatawad!

"Hanggang kailan niyo ba tatawaran ang pagkatao ko? Ang pagmamahal ko? Ang puso ko?

"Lagi na lang ba akong tatawaran? Pabababain? Mumurahan?

"Wala naman akong ibang ginawa kundi ang magmahal, Senator!

"Bakit kami pinabayaan ng bansang ito? Bakit walang batas para sa amin? Bakit walang konsiderasyon para sa wasak naming puso?

"Disable din naman kami, Senator! Bakit wala kaming discount sa pamasahe?

"Ang broken legs nga, disable na, kami pa kayang broken heart? Mas may sakit kami! Mas disable kami!

"Hindi lang kami nasasaktan, natutulala pa kami bigla-bigla. Hindi lang kami hirap kumilos, hirap pa kaming bumangon!

"Buti pa nga ang mga lumpo, kayang umusad sa wheelchair!"

Humihingi si Magcalas kay Angara ng 30% discount sa pamasahe, gamot, restaurant, at malibre sa sine kaya may mga nag-akalang promo para sa Para Sa Broken Hearted ang short film na waging-wagi sa millennials.

Nagtanong din si Magcalas kung bakit walang leave para sa mga broken-hearted dahil kailangan din daw nilang magpahinga.

"Mas sick pa kami sa mga sick! Mas mabigat pa ang mga dala namin.

"May dala-dala rin kaming tao, hindi lang baby! Dating baby… pero hindi ako naglaglag, Senator! Siya, bumitaw siya!"

Simple at walang paligoy-ligoy ang ipinayo ni Angara sa complainant, hindi puwedeng bigyan ng mga benepisyo ang mga broken-hearted dahil kailangang pagdaanan ang lahat ng sakit at dusa na magpapagaling at magpapalakas sa kanila.

"Hindi kailangan na magka-Department of Love dahil sa lahat, iyan ang hindi napapamahalaan.

"Hindi iyan nakokontrol, walang batas na sinusunod, walang patakaran na inaayunan.

"Ang pag-ibig ay hindi nababalangkas na parang konstitusyon.

"Hindi ito nagagawan ng permanenteng solusyon dahil ito ang pinakamalaking problema ng bansa.

"Siguro kung lahat tayo ay marunong magmahal, kung lahat tayo ay naniniwala sa kapangyarihan ng pag-ibig, siguro kung hindi tayo nasaktan, naloko, nagamit… siguro walang krimen, gahasa, pang-aabuso… siguro walang trapik sa Edsa…”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN