Luigi Revilla, satisfied sa acting niya sa Tres; Keanu at Winona, may pumping scene sa reunion movie nila

by Jojo Gabinete
Oct 3, 2018

Dalawang Tagalog movies (Para sa Broken Hearted ng Viva Films at Tres ng Imus Productions) at apat na foreign movies (Destination Wedding, The Witch Flies, Little Italy, at Small Foot) ang magkakasabay na nagbukas sa mga sinehan sa Pilipinas ngayong Huwebes, October 3.

Introducing sa Tres si Luigi Revilla na magkahalong saya at kaba ang nararamdaman sa unang araw sa mga sinehan ng pelikula nila ng kanyang mga kapatid na sina Bryan at Jolo.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jojo Gabinete

"Nakakakaba pero masaya, especially after hearing the reactions of the audience during the premiere last Sunday.

"Tuwang-tuwa naman sila sa performance ko, so super happy ako," sabi ni Luigi na bida sa "Amats" episode ng Tres.

Ayon kay Luigi, bilang baguhan, satisfied siya sa akting na ipinakita niya sa "Amats."

Naniniwala rin si Luigi na malaki pa ang magiging improvement niya sa acting department.

"As it being my first time, I think I gave it my all naman and tinulungan naman talaga ako ni Direk Dondon Santos na ipiga lahat.

"Happy naman ako sa outcome, given the fact na medyo mahirap din yung role ko as a drug addict.

"But of course, marami pa na room for improvement," pahayag ni Luigi.

PUMPING SCENE

R16 ang classification ng MTRCB sa Tres, at R13 naman ang ibinigay nito na classification sa Destination Wedding, ang romantic-comedy movie na tinatampukan nina Keanu Reeves at Winona Ryder.

Continue reading below ↓

Konserbatibo pa rin ang ilan sa mga Pilipino kaya posibleng magulat sila sa prolonged pumping scene nina Keanu at Winona sa Destination Wedding.

Fully-clothed ang dalaw sa controversial pumping scene.

Kahit comedy ang eksena, imposibleng hindi tamaan ng malisya ang mga nagbabalak manood ng pelikula nina Keanu at Winona, na kumbinsidong legal ang pagpapakasal nila nang mag-shooting sila sa Romania ng Dracula noong 1992.

Tunay na Romanian priest ang nagkasal kina Keanu at Winona sa wedding scene nila sa Dracula at ito ang ginamit na publicity para sa Destination Wedding.

Eighty-five minutes lang ang running time ng reunion movie nina Keanu at Winona.

Ang mga karakter lang nila ang nag-uusap mula umpisa hanggang katapusan kaya maikukumpara ito sa Tagalog films na Kita Kita, Sid & Aya, Not A Love Story, at Mr. & Mrs. Cruz.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results