Gloria Diaz, hindi kontra sa pagsali ng mga transgender sa Miss Universe

Witty at smart pa rin sa pagsagot si Miss Universe 1969 Gloria Diaz nang makausap siya ng Cabinet Files sa grand presscon ng Pamilya Roces, ang prime-time drama comedy series ng GMA-7 na mapapanood simula sa darating na Lunes, October 8.

IMAGE Noel Orsal

Kung sakaling may second life, sasali ba uli siya sa Miss Universe?

"If you can assure me I will win," mabilis na sagot ng first Filipina Miss Universe.

Nang sabihin namin na siya ang pinaka-successful Pinay Miss Universe winner dahil tagumpay ang showbiz career niya, nagsalita si Gloria ng "Well, maybe for now. Wala pa naman, e, bago pa lang si Pia Wurtzbach. You’ll never know."

Kasunod nito ang kanyang one-liner na “Always imitated, never duplicated.”

Nakiayon si Gloria sa opinyon ng Cabinet Files na sampu-sampera na ang mga beauty pageant sa Pilipinas, pero ang Miss Universe pa rin ang pinaka-prestigious para sa kanya.

"Talagang sampu-sampera, pero it’s okay. Beauty has its own excuse 'coz there’s so many beauty contests sa Pilipinas.

"I think, being a beauty queen is naging job na. It’s a career, kinakarir na talaga, but it’s good.

"In my own opinion, Miss Universe is the most prestigious, but I don’t know now.

"I don’t know, Miss Universe has taken a different path. You can make paretoke…" walang prenong pahayag ng 67-year-old former beauty queen.

Hindi kontra si Gloria sa pagsali ng transgender women sa Miss Universe.

"Ako, I have nothing against that. Gusto ko nga iyan, e.

"It doesn’t mean naman na you cannot be beautiful just because you’re a transgender.

"I don’t know how it will affect the competition itself because usually, kapag beauty contest, babae. Parang reyna.

"Pero I’ve been judges in mga transgender contest, ang gaganda talaga.

"Even yung mermaid.. mermaid… yung Super Sireyna? Sa malapit, ang gaganda nila," sabi ni Gloria.

Postscript: Si Gloria ang gumaganap na legal wife ni Roi Vinzon sa Pamilya Roces at mga anak nila sina Carla Abellana at Gabbi Garcia.

Ang 1974 classic film na Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa ang unang pelikula ni Gloria.

Kung sakaling magkaroon ng remake ang 44-year-old movie niya, si Gabbi ang gusto ni Gloria na magbida dahil bagay na bagay raw sa young actress ang role ni Isabel.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN