Shy Carlos, sinapawan sa aktingan ang ibang bida ng Para sa Broken Hearted

by Jojo Gabinete
Oct 4, 2018

Overwhelmed si Shy Carlos dahil nagustuhan ng moviegoers ang performance niya sa Para sa Broken Hearted

“Si Shy ang bida," ang nagkakaisang opinyon ng mga nakapanood ng pelikulang pinagbibidahan nila nina Yassi Pressman, Louise delos Reyes, Sam Concepcion, at Marco Gumabao.

Pero buong pagpapakumbabang itinuwid ng aktres ang paniniwala ng ibang manonood.

Continue reading below ↓

Ayon kay Shy, nakasentro talaga kay Jackie ang kuwento bilang bahagi ng tahi ng pelikula, na base sa librong isinulat ni Marcelo Santos III. 

Kaya posibleng siya ang napagkakamalang "tunay na bida" ng pelikula.

Paglilinaw ni Shy, “Lahat po ng characters, may contribution. Ako lang po ang nag-connect pero lahat kami, binigyan ng buhay ang each character with justification.

“Kudos also to Direk Digo Ricio for allowing us to portray each characters. He really was the one who helped us para magawa namin nang maayos yung pelikula.

“Super proud and excited ako para kay Direk Digo kasi out of this world ang creativity niya at excited ako sa mga films na gagawin pa niya in the future.”

Pinasalamatan ni Shy ang lahat ng mga pumuri at pumalakpak sa kanyang acting sa Para sa Broken Hearted.

Hindi rin niya nakaligtaang magpasalamat kay Marcelo Santos III dahil sa magandang kuwento na isinulat nito.

“Kapag pumapalakpak po sila, grabe ang kaba ko. Sabi ko, ‘Nagugustuhan ba nila yung character ko or what?’

Continue reading below ↓

“Sobrang happy ako na nagustuhan nila ang acting ko at maganda ang reviews sa movie.

“Thank you kay Marcelo for creating a wonderful story." 

Si Marcelo rin ang author ng librong Para sa Hopeless Romantic, na isinapelikula ng Viva Films at pinagbidahan nina James Reid at Nadine Lustre noong 2015. 

Sa huli, naglalambing na humiling si Shy sa mga hindi pa nakakapanood ng pelikula.

“Sa moviegoers po, ang pelikulang ito ay taliwas sa naiisip niyo na moment para sa mga broken hearted, dahil hugot movie ito with a very unique treatment at may aral.

“Sana payagan niyo kami na mai-share sa inyo ang kuwento ng Para sa Broken Hearted.”

Read Next
Read More Stories About
Yassi Pressman
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results