Ana Roces, hindi tunay na Roces; Elizabeth Oropesa, may anak na Roces ang apelyido

by Jojo Gabinete
Oct 5, 2018

Sa tunay na buhay, dalawa sa cast members ng Pamilya Roces ng GMA-7 ang may "Roces connection," pero may isa na nagpapanggap at may isang tunay na Roces ang ama ng anak.

Si Ana Roces ang nagpapanggap na Roces dahil Marinella Adad ang real name niya, at hindi ito alam ng kanyang youngest child.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

Natuklasan lamang ng bata ang katotohanan dahil sa school teacher niyang nagsabi na Ana Roces ang screen name ng kanyang ina.

Happily married si Ana at dalawa ang anak nila—isang babae at isang lalaki.

Ang pamilya niya ang dahilan kaya tinanggihan noon ni Ana ang alok na mag-pose siya para sa print cover ng FHM.

Alam namin ang buong kuwento dahil kami ang napakisuyuan ng dating editor in-chief ng popular men’s magazine para iparating kay Ana ang offer ng FHM.

Forty-two years old na si Ana, pero batambata pa rin ang hitsura nito at sexy ang figure kaya nagkaroon ng interes sa kanya ang FHM staff.

Mas maganda ngayon si Ana kesa noong dalaga pa ito.

Simple lang ang beauty secret niya—maaga siyang natutulog, maliban na lang kung may taping para sa Pamilya Roces.

Tunay na Roces naman si Guinevieve, ang anak ni Elizabeth Oropesa sa ex-boyfriend nitong si Mark Roces.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

Mula sa kilalang angkan si Mark dahil mga pulitiko at former owner ng Manila Times ang pamilya niya.

Unfortunately, hindi nagtagal ang relasyon nina Mark at Elizabeth, na ex-wife din ng Chinese martial arts superstar na si Meng Fei.

May isang anak na lalaki sina Meng Fei at Elizabeth.

Si Elizabeth ang isa sa mga sex symbol at pantasya ng mga kalalakihan noong dekada '70.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results