Little people, napanalunan ang Megajackpot sa Wowowin

by Jojo Gabinete
Oct 5, 2018

Bumaha ang luha sa Friday night (October 5) episode ng Wowowin dahil napanalunan ng tatlong contestants ang Megajackpot (brand new house and lot, sasakyan, at isang milyong piso) ng daily game show ni Willie Revillame sa GMA-7.

Ang mga little people na sina Ella, Jenny, at Glenn na katulad ni Jo Berry ng Onanay ang lucky contestants at 6th
Megajackpot winners ng Wowowin.

Continue reading below ↓
 IMAGE Screen grab from GMA-7

Kapansin-pansin na sinadya ni Willie na papanalunin ang mga "Pera o Kahon" contestants dahil humanga siya sa paninindigan at mga positibong pananaw sa buhay ng little people na hindi nawawalan ng pag-asa sa kabila ng kanilang mga hindi normal na physical appearance.

Tulad ng karakter ni Jo sa Onanay, may mga anak at asawa sina Ella, Jenny at Glenn na nakararanas ng mga panghuhusga dahil sa mga hitsura nila.

Napaiyak sa kalituhan ang asawa ni Ella nang umabot sa P350,000 ang tawad ni Willie dahil hindi siya makapagdesisyon kung pera o kahon ang pipiliin niya.

Continue reading below ↓
 IMAGE Screen grab from GMA-7

Hindi matapus-tapos ang pasasalamat kay Willie ng mga nagwagi dahil para sa kanila, ang Wowowin host ang ginamit na instrumento ng Panginoon para magbago ang takbo ng kanilang mahirap na pamumuhay.

"Kuya Wil, maraming-maraming salamat. Binigyan mo kami ng pag-asa sa buhay.

"Maraming salamat po sa palabas ninyo dahil binigyan niyo kami ng opportunity na makapaglaro, dito na po magsisimula ang buhay namin.

"Marami pong nangungutya sa amin pero milyonaryo na kami ngayon," mensahe para kay Willie ng mga lumuluhang winners ng Megajackpot ng Wowowin.

Continue reading below ↓
 IMAGE Screen grab from GMA-7

"Congratulations sa inyo. Talagang para sa inyo iyan.

"O, di ba, ang sarap ng buhay kapag nabibigyan ng panibagong pag-asa?

"Pag-uwi niyo mamaya, masarap yakapin ng asawa, ng anak niyo, masarap matulog.

"Ang una ninyong gagawin, magdasal kayo, magpasalamat kayo sa mahal na Panginoon.

"One million pesos, isang kotse, isang house and lot.

"Ngayon, puwede ninyong ibenta lahat iyan at paghati-hatian niyo at magsimula kayo sa buhay," payo ni Willie sa mga lucky winner ng "Pera O Kahon" segment ng Wowowin.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results