Gretchen Fullido, tuloy ang trabaho bilang showbiz news anchor ng TV Patrol

Hot topic ang pagsasampa ni Gretchen Fullido ng sexual harassment at libel complaints laban sa mga ABS-CBN News executive.

Pero ngayong gabi, October 5, siya pa rin ang napanood na anchor ng showbiz news segment ng TV Patrol, ang prime-time news program ng Kapamilya network.

IMAGE Gretchen Fullido Instagram

Ang sexual harassment at libel complaints ni Gretchen na isinampa sa Quezon City Prosecutor’s Office ngayong hapon ang umagaw sa atensiyon ng showbiz observers na nakatutok sa balita tungkol sa paghihiwalay nina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta.

Hindi mahahalata sa mukha ni Gretchen na may pinagdaraanan itong pagsubok dahil relaxed na relaxed siya nang ibalita niyang si Jerrold Tarog ang ipinalit ng Star Cinema kay Erik Matti bilang direktor ng Darna, ang pelikula na pagbibidahan ni Liza Soberano.

Sa report ni Gretchen, nagpapasalamat ang ABS-CBN at Star Cinema sa Artikulo Uno Productions dahil pumayag itong gawin ni Jerrold ang project na uumpisahan agad ang shooting.

Si Jerrold ang direktor ng Heneral Luna at Goyo: Ang Batang Heneral na parehong produksyon ng Artikulo Uno Productions.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN