Nami-miss niyo na ba si "Kuya Escort" Greg Hawkins? Nami-miss niya rin daw kayo!

by Jojo Gabinete
Oct 7, 2018

Ilang linggo nang hindi napapanood sa "Miss Q & A" segment ng It’s Showtime ang original Kuya Escort na si Greg Hawkins kaya hinahanap na siya ng fans niya na nagtataka sa kanyang sudden disappearance sa noontime program ng ABS-CBN.

 IMAGE @real_greghawkins on Instagram

Missed na missed na si Greg ng viewers ng It’s Showtime at mutual ang pakiramdam nila dahil nami-miss na rin niya ang programa at ang mga host nito.

Continue reading below ↓

“I really miss yung staff ng It’s Showtime kasi mababait talaga sila, lalo na yung sa wardrobe, makeup. They’re so nice and they’re so friendly.

“Tapos, nami-miss ko si Vice Ganda at si Anne Curtis, si Jhong Hilario, yung co-workers ko sa It’s Showtime.

“Siguro, the thing I missed the most is saying 'hi' sa fans sa ABS-CBN. Maraming fans sa ABS after It’s Showtime, naghihintay, I could talk to them. I could ask for their input,” ang sabi ni Greg na umaasa na makababalik na sa noontime show na naging instrumento para mapansin at makilala siya ng Pinoy fans sa sandali at mabilis na panahon.

Malakas ang karisma ni Greg at madali na makagaanan ng loob dahil bilang former Mormon missionary, sanay siya na makihalubilo at humarap sa lahat ng klase ng tao.

“I think may connection ako sa madlang-people kasi naiintindihan ko yung mga struggle nila, yung buhay nila kasi bilang missionary, ganoon din ang buhay ko.

Continue reading below ↓

“Na-assign ako sa Quezon City at sa Signal Village sa Taguig City. Naglakad at nakipag-usap lang ako sa mga tao sa kalye, bahay-bahay at nagturo kami ng mensahe.

“Magagandang mga salita na pagkatapos ng buhay na ’to, puwede kang bumalik sa pamilya mo sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Hesus Kristo.

“That’s how I learned how to interact with Filipinos and then I fell in love, after a while sa culture, the food and everything about the Philippines,” ang kuwento ni Greg na fluent na sa pagsasalita ng Tagalog at puwedeng isadula sa Maalaala Mo Kaya o Magpakailanman ang kuwento ng kanyang makulay na buhay.

Walang Filipino blood si Greg dahil Korean ang kanyang ama at Amerikana ang nanay niya.

“James" ang American name ng Korean father ni Greg pero hindi nito alam ang tunay na pangalan at birthday dahil kinuha lamang siya ng American couple na kinikilala niya na mga magulang sa isang orphanage sa South Korea.

Continue reading below ↓

Gaya ng kanyang ama, naranasan ni Greg na manirahan sa bahay-ampunan noong maliit pa lamang siya. Until now, hindi alam ni Greg ang real age ng kanyang Korean father dahil wala itong birth record.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results