Sanya Lopez, hindi ang unang star ng isang sexy movie na nag-claim na virgin pa

by Jojo Gabinete
Oct 7, 2018

Hindi si Sanya Lopez ang kauna-unahang aktres na nag-claim na virgin pa siya at sentro ng publicity ng Wild & Free, ang sexy drama movie ng Regal Entertainment Inc. na ipalalabas sa mga sinehan sa October 10.

 IMAGE Noel Orsal

Thirty-three years ago, ang virgin pa siya ang press release ng sex nymphet na si Lala Montelibano (photo below) at marami ang naniniwala dahil dinaya lamang ng kanyang talent manager na si Rey dela Cruz ang edad niya.

Continue reading below ↓

 IMAGE Paano Ang Aking Gabi poster

At the time, 1985, hindi pa mahigpit ang batas laban sa child abuse kaya naglipana ang mga bold star na menor de edad, pero nagpanggap na nasa legal age na sila para makaahon sa hirap at makatulong sa pamilya.

Ironically, nadiskubre ni dela Cruz si Lala nang pumunta ito sa burol ng nagpakamatay na bold star na si Pepsi Paloma (photo below) na alaga rin niya.

Continue reading below ↓
 IMAGE FilipiKnow.net

Pero noong January 2011, ipinagtapat ni Lala sa isang interview na 11 years old siya nang ibugaw ng sariling ina sa isang Amerikano.

“Tinitingnan niya lang po kung ano ang ginagawa sa akin ng Amerikano,” ang heartbreaking confession ni Lala kaya lumitaw ang katotohanan na hindi na siya virgin nang magsimula ang kanyang showbiz career.

Mga menor de edad din sina Myra Manibog (photo below), Pepsi, at Stella Strada nang pumasok sa showbiz.

Continue reading below ↓
 IMAGE senscritique.com

Parehong tragic ang naging katapusan nina Pepsi at Stella na kapwa nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti.

Kasikatan ni Stella nang tapusin nito ang sariling buhay sa apartment na nirerentahan niya sa J.Abad Santos sa San Juan noong December 28, 1984.

 IMAGE Screen capture from "Kirot" via YouTube

Si Stella (photo above) ang number one sexy star noon, contract star siya ng Seiko Films at kapag palabas ang mga pelikula niya, nagsasara ang mga sinehan dahil sa unruly crowd, mostly males, na nag-uunahan sa panonood.

Continue reading below ↓

Hindi na mauulit ang mga ganoong eksena dahil may screening time na ang mga pelikula at isa-isa nang nawawala ang mga stand alone theater.

Sa kabila ng phenomenal rise niya noon, hindi naging maligaya si Stella at mababakas ang matinding kalungkutan niya sa kanyang iniwan na suicide note na

“Walang nagmamahal sa akin..."

Read Next
Read More Stories About
Sanya Lopez, GMA-7, Kapuso
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results