Kathelyn Dupaya, gustong bawiin ang signature bags sa talent manager na si Lito de Guzman

by Jojo Gabinete
Oct 8, 2018

Ang banta na magsusumbong siya sa kay Raffy Tulfo ang panakot ng Brunei-based businesswoman na si Kathelyn Dupaya sa talent manager na si Lito de Guzman dahil, diumano, ayaw nitong ibalik ang kanyang mga signature bag.

 IMAGE Noel Orsal / Facebook

Hindi natinag o nagpakita ng pangamba si De Guzman sa banta ni Dupaya dahil magsasalita rin siya ngayong hapon sa Cristy FerMinute, ang radio program ni Cristy Fermin sa Radyo Singko ng TV5 Network.

Continue reading below ↓

Kinumpirma ni De Guzman na nasa pag-iingat niya ang mga signature bag ni Dupaya dahil nakasangla ito sa kanya sa halagang P3.9 million.

Totoo raw na may mga bag na binabawi si Dupaya na ginamit nitong collateral sa mga perang inutang kay De Guzman at sa mga business partner nito.

Ang bayaran ang utang at interes ang kundisyon na hinihingi ni De Guzman kay Dupaya para ibalik niya ang mga signature bag.

Hangga’t maaari, ayaw ni De Guzman na patulan ang mga pananakot ni Dupaya dahil nag-e-enjoy na ito sa limelight pero kailangan niyang ipagtanggol ang sarili.

Noong nakaraang buwan, dinakip si Dupaya ng Taguig Police sa isang condominium building sa Bonifacio Global City dahil sa PHP20 million libel case na isinampa laban sa kanya ng businessman at Lord of Scent na si Joel Cruz.

Nakalaya si Dupaya dahil bailable ang demanda sa kanya ni Cruz.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results