Carla Abellana, hindi nag-hire ng manager sa kanyang nail spa business

by Jojo Gabinete
Oct 8, 2018

Mula nang maging busy sa taping ng Pamilya Roces, bihira nang nakakapunta si Carla Abellana sa branch ng Posh Nails sa Ayala Malls Feliz, Pasig City.

Pero hands on pa rin ang pamamahala niya dahil hindi siya nag-hire ng manager.

 IMAGE Noel Orsal

Actually, dalawa ang negosyo ni Carla—ang Posh Nails at ang Holy Smokes, ang barbecue restaurant sa Makati City.

Continue reading below ↓

Mas nakatutok si Carla sa kanyang nail spa business dahil marami silang magkakasosyo sa restaurant—ang kanyang brother in-law na head chef ng Holy Smokes at ang mga pinsan nito.

Coincidentally, ipinagdiriwang ng Holy Smokes ang second anniversary nang makausap ng Cabinet Files si Carla sa grand presscon ng Pamilya Roces, na mapapanood sa GMA-7 simula ngayong gabi, October 8.

"These days, because of Pamilya Roces, bibihira na ako makapunta sa Posh Nails, once or twice a month na lang.

"Pero bago magsimula ang Pamilya Roces, nandoon ako almost every day, basta walang taping.

"Wala akong manager, ako lahat. I monitor our daily sales, weekly and monthly. I am in touch with our receptionist on a daily basis.

"I check our CCV recordings, I monitor kung ano ang mga supplies na kailangan i-replenish, ako rin ang gumagawa ng payroll.

"Mas mahirap mag-manage ng nail spa dahil ako lang mag-isa ang nag-aasikaso.

Continue reading below ↓

"Unlike sa restaurant, marami kami, kanya-kanya ng role," kuwento ni Carla, na walang alam sa pamamahala ng mga negosyo.

Graduate ng Psychology si Carla, pero natuto siyang magpatakbo ng negosyo kahit walang nagtuturo sa kanya dahil sa circumstances at challenges na araw-araw na nararanasan niya.

Ang husay ni Carla sa pamamahala ng nail spa ang dahilan kaya hinahangaan at nirerespeto siya ni Cat Ilacad, ang Posh Nails owner na ipinagkatiwala sa kanya ang franchise sa Ayala Malls Feliz branch.

"Carla is very hands on with her business. She personally checks on the outlet and her staff.

"She is very hardworking, very patient and so passionate with what she does.

"She doesn’t mind asking questions to learn the ropes of the business.

"She is a people person and desires only the best service for her clients," papuri ni Cat kay Carla.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results