Edward Barber: "Maymay is not really a normal person."

by Jojo Gabinete
Oct 8, 2018

Hindi makapaniwala si Edward Barber nang malaman niya noon mula sa kanyang handler na may gagawin siyang pelikula, kasama sina Aga Muhlach at Bea Alonzo.

 IMAGE Noel Orsal

Katabi ni Edward ang kanyang ina at ang ka-love team na si Maymay Entrata nang matanggap niya ang good news.

Sinabi ni Edward na speechless siya, tuwang-tuwa ang nanay niya at "kayang-kaya mo iyan" ang encouraging words sa kanya ni Maymay.

Continue reading below ↓

Ang First Love ang movie project na tinutukoy ni Edward at itinuturing na isa sa mga biggest break niya dahil malaking oportunidad na makatrabaho sina Bea at Aga.

"All I can say about the movie is so far, I felt so comfortable not really because of my own skills but because of Direk Paul [Soriano], Kuya Aga and Ate Bea, the whole cast as well.

"I have nothing but gratitude for this movie," sabi ni Edward.

Dahil First Love ang pamagat ng pelikula, tinanong si Edward kung si Maymay ba ang kanyang first love.

Sagot niya, "Next question please... My relationship with Maymay is something I cannot really compare to any other pair I have ever seen before.

"I can’t compare it to my parents. I can’t compare it to my friends and their girlfriends…"

Pero pinalakpakan si Edward ng fans nila ni Maymay na dumalo sa presscon ng First Love dahil sa kanyang statement na: "Maymay is not really a normal person.

Continue reading below ↓

"That’s not a bad thing, that’s why she’s more amazing than most of the girls I know so it’s not a bad thing.

"That’s what makes her amazing. She’s one of the people I love most of my life…"

Postscript: Ang Star Cinema at ang Ten17 Productions ang mga producer ng First Love.

Ten17 Productions ang pangalan ng production company ni Paul dahil October 17 ang birthday niya.

Coincidentally, sa October 17 din ang cinema playdate ng unang movie project nina Bea at Aga.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results