Karakter ni Jason Abalos sa Asawa Ko, Karibal Ko inspired ni Angelina Mead King

Gaya sa mga nakaraang presscon ng mga television series ng GMA-7 na pinagbidahan niya, muling napaluha si Kris Bernal sa media launch ng Asawa Ko, Karibal Ko dahil sa sobrang kaligayahan sa challenging roles at relevant projects na ipinagkakatiwala sa kanya ng Kapuso Network.

IMAGE Noel Orsal

Sina Kris, Rayver Cruz, Thea Tolentino, at Jason Abalos ang lead characters ng Asawa Ko, Karibal Ko na mapapanood sa afternoon prime ng GMA-7 simula sa October 22.

Ginagampanan ni Jason ang karakter ni Nathan, ang asawa ni Rachel (Kris) pero nangibabaw ang tunay na pagkatao niya at ang kagustuhang maging ganap na babae kaya sumailalim siya sa sexual reassignment at facial feminization surgery.

Namuhay si Nathan bilang isang tunay na babae at sa pangalang Catriona na binigyang-buhay ni Thea Tolentino.

Si Catriona ang magiging karibal ni Rachel kay Gavin, ang pangalan ng comebacking Kapuso star na si Rayver Cruz.

Nang ipakita sa presscon ng Asawa Ko, Karibal Ko ang teaser nito, ang pelikula na Ako Si Emma, Babae! at ang mga successful GMA television series na My Husband’s Lover at Destiny Rose ang pumasok sa isip namin.

Ang Ako Si Emma, Babae! ang 1977 solo-starrer ni Janet Bordon na gumanap na transgender woman sa pelikula.

Sina George Estregan at Rudy Fernandez ang co-stars ni Janet sa Ako Si Emma, Babae.

Tungkol naman sa relasyon ng isang closeted husband (Tom Rodriguez) sa kanyang asawa (Carla Abellana) at gay lover (Dennis Trillo) ang plot ng My Husband’s Lover, samantalang ang mga pakikipagsapalaran ni Destiny Rose (Ken Chan) ang kuwento ng Destiny Rose.

Kung panonoorin nina Rustom Padilla aka BB Gandanghari at Ian King, na kilala na ngayon sa pangalan na Angelina Mead King, ang Asawa Ko, Karibal Ko, tiyak na makaka-relate sila sa karakter nina Nathan at Catriona.

Inamin ng direktor na si Mark Sicat dela Cruz na inspired ni Angelina King ang karakter ni Jason sa bagong drama series project niya.

Sandali lamang pero markadong-markado ang role ni Jason sa Asawa Ko, Karibal Ko.

Magandang-maganda ang aktor sa mga eksenang bihis at ayos-babae siya dahil may anggulong kahawig niya ang newly-crowned Miss World Philippines 2018 na si Katarina Rodriguez.

IMAGE Noel Orsal / Screen grab from GMA Network

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN