Sanya Lopez, bigay na bigay sa erotic scenes niya sa Wild & Free

Sina Jeric Gonzales, David Licauco, ang lovers na sina Barbie Forteza at Jak Roberto, ang former television host na si Butch Francisco, ang nanay ni Derrick Monasterio at dating sexy actress na si Tina Monasterio, at ang Regal Entertainment, Inc. producer na si Mother Lily Monteverde ang ilan sa mga celebrity na dumalo sa successful premiere ng Wild & Free, ang launching movie nina Sanya Lopez at Derrick, kagabi, October 9.

R-13 ang classification na ibinigay ng MTRCB sa Wild & Free na magbubukas sa mga sinehan ngayong araw, October 10, dahil sa mga erotic scene ng pelikula.

Babae ang direktor ng Wild & Free, si Connie Macatuno, pero barakong-barako ang execution niya sa mga sizzling love scene nina Sanya at Derrick kaya wild ang reaksyon ng audience ng Cinema 7 ng SM Megamall.

IMAGE Noel Orsal

Virgin o wala pang karanasan si Sanya sa kamunduhan ang maingay na publicity para sa Wild & Free na nabahiran ng pagdududa matapos ang screening ng pelikula dahil sa mga eksena na nasaksihan ng mga nanood.

Kung talagang ‘inosente’ pa si Sanya, magaling siyang artista dahil nagawa niyang makipagpalitan ng laway at makipaghalikan kay Derrick na labas ang kanilang mga dila.

Bigay na bigay si Sanya sa eksenang may insinuation na binibigyan siya ni Derrick ng “tongue job,” at malakas ang reaksiyon ng audience sa kanyang dialogue na “Hindi ka tinatayuan.”

Wagas na wagas din at parang narating ni Sanya ang ika-pitong langit sa mga sex scene nila ni Juancho Trivino.

Si Cheska Diaz ang gumanap na nanay nina Derrick at Juancho sa Wild & Free.

Importante ang karakter ni Cheska dahil siya ang nagbitaw ng linya na "wild and free," na may original title na Lust & Love.

Jake ang pangalan ni Derrick sa Wild & Free at Ellie ang pangalan ni Sanya.

Natawa kami nang marinig namin ang pangalan ng dalawa sa pelikula dahil parang naging inspirasyon ng sumulat ng kuwento ang mag-amang Jake Ejercito at Ellie.

Si Ellie ang love child ni Jake sa aktres na si Andi Eigenmann.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN