PBA player, naging constant date ng isang trans woman na kasali sa Queen of Quezon City

by Jojo Gabinete
Oct 10, 2018

Namamayagpag ngayong 2018 ang transgender women.

Sila ang mga bida sa "Miss Q & A" segment ng It’s Showtime; tungkol sa isang transgender woman na naging karibal ng misis niya ang kuwento ng Asawa Ko, Karibal Ko, ang upcoming primetime teleserye ng GMA-7.

At noong Martes, October 9, opisyal na ipinakilala ang 24 official candidates ng Queen of Quezon City, ang beauty pageant para sa transgender women.

Continue reading below ↓

Magaganap ang coronation night nito sa November 10, 2018 sa University of the Philippines Theater, UP Diliman, Quezon City.

Magaganda, matatalino, mga propesyunal, at mapagkakamalang mga tunay na babae ang karamihan sa mga contestant ng Queen of Quezon City.

Sina Louise Manalo at Rami Hannash ang dalawa sa mga kandidatang may interesting story.

LOUISE MANALO

Candidate Number 5 ang 29-year-old na si Louise, isang call center agent at look-alike ni Kristine Hermosa.

Continue reading below ↓
Louise Manalo
 IMAGE Jojo Gabinete

Inamin ni Louise na naging constant date niya noon ng isang PBA player, pero tumanggi siyang magbanggit ang pangalan.

"We dated. Alam niya na transgender woman ako.

"May boyfriend ako pero nakipag-date ako sa kanya [basketball player] dahil gusto kong i-try.

"Excited ako, friendly date naman," kuwento ni Louise tungkol sa PBA player na tanggap ang pagkatao niya at hanggang ngayon, may communication sila.

RAMI HANNASH

Natawa si Rami Hannash nang mahulaan namin na hindi Hannash ang kanyang tunay na family name dahil obvious na kinuha lang niya ang apelyido mula sa gay lingo na hanash (ganap o reklamo; i.e. maraming ganap o maraming reklamo).

Continue reading below ↓
Rami Hannash
 IMAGE Jojo Gabinete

"Bago" ang family name ni Rami pero ito talaga ang kanyang tunay na pangalan kaya naisip niya na gamitin na screen name ang Rami Hannash.

Member ng Iglesia Ni Cristo si Rami at ang pamilya niya, kaya ang pagiging transgender woman at ang pagsali sa Queen of Quezon City ang kanyang dilemma sa kasalukuyan.

Ayon kay Rami, na literal na may mga hanash tungkol sa relihiyon niya, nanganganib na matiwalag sila ng kanyang pamilya mula sa Iglesia Ni Cristo dahil kasali siya sa beauty contest para sa trans women.

"Kapag nalaman nila na kasali ako sa Queen of Quezon City, maaapektuhan ang buong pananampalataya ng pamilya namin, pero nandito na ako.

"Parang isang bagay ito na pag-uusapan ng aking pamilya, pero may passion at goal ako na tumulong sa komunidad ng LGBTQ community sa Quezon City," sabi ni Rami.

Paano kung papiliin ka: ang relihiyon mo o ang pagsali sa Queen of Quezon City?

Continue reading below ↓

Sagot ni Rami, "Kasi ako po ito, e.

"Gaya nga po ng sinabi ng isang kandidata, ina-identify po namin na kami po ay babae.

"Parang against all odds na lang po na hindi ka man tanggapin ng ibang tao, tanggap ko naman ang sarili ko."

Napaluha si Rami sa kanyang sagot, pero nagpapasalamat siya dahil suportado ng kanyang pamilya ang pagsali niya sa Queen of Quezon City..

ANGEL ARTITA

Pinalakpakan naman ang opinyon ni Angel Artita tungkol sa isyu ng pagpayag ng Miss Universe Organization na magsali ng transgender woman candidate sa Miss Universe 2018.

Continue reading below ↓

Pahayag niya, "Hindi po ako magpapaka-ipokrita na dahil ako po ay trans woman ay sasang-ayon na rin ako.

"Ito pong Miss Universe ay inilaan para pagbibigay-pugay at pagpupunyagi sa ating mga kababaihan.

"Hindi ko po sinasabi na ayaw ko ang trans woman sa Miss Universe, pero para sa akin, bigyan po natin ng malaking respeto at pagpupugay ang mga kababaihan na meron silang sariling pageant na gaya ng Miss Universe.

"At bilang isang transgender woman po, antayin na lang po natin na magkaroon ng sariling Miss Trans-Universe contest dahil naniniwala po ako na kung magkakaroon ng sariling amin, mas mapi-feel po namin ang pagtanggap at ang respeto."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results