Ai-Ai delas Alas, pinaluha ni Jennifer Lopez sa American Music Awards

"Parang Sunday Pinasaya lang, ang bilis ng transition ng performers."

Ito ang description ni Ai-Ai delas Alas nang panoorin niya nang live ang 2018 American Music Awards, na ginanap sa Microsoft Theater, Los Angeles, California, noong Martes, October 9, (Wednesday morning, October 10, Philippine time).

Nagkaroon ng pagkakataon ang Comedy Queen at ang asawa nitong si Gerald SIbayan na makadalo sa American Music Awards dahil sa VIP tickets na ibinigay sa kanila ng tiya ng best friend ng kanyang anak na si Sancho na executive sa Microsoft Theater.

Sa dami ng mga sikat na nag-perform at nakita niya nang personal, na-starstruck nang husto si Ai-Ai sa kanyang favorite singer-actress na si Jennifer Lopez.

Napaluha si Ai-Ai tulad ng pag-iyak nito nang panoorin niya ang Manila concert ni Lopez noong Novembr 2012.

Sa pamamagitan ng Viber, ikinuwento ni Ai-Ai na marami ang kanyang natutunan sa panonood ng American Music Awards dahil nakilala niya ang mga sikat na American singer sa kasalukuyan.

Bukod kay Lopez, nagustuhan ni Ai-Ai ang rapper na si Post Malone dahil cool ito at maganda ang mga tattoo sa katawan.

View this post on Instagram

Winners of AMA congratulations ( feeling close hehe) -- si mariah performer lang sya pala d sya winner

A post shared by Martina Eileen D.A. SIBAYAN (@msaiaidelasalas) on

Lumipad si Ai-Ai sa California noong nakaraang linggo para sa GMA Pinoy TV show sa Anaheim, California.

Hindi pa agad siya makakabalik sa Pilipinas dahil sa concert nila ni Martin Nievera sa New Jersey sa October 13.

Dahil nasa ibang bansa pa siya, naglabas si AiAi ng official statement para sa mga nagnanais na kumuha sa serbisyo ng Ex Battalion.
" As I am currently out of the country and upon my return, will be attending to personal matters, I will not be able to attend to my duties as talent manager of Ex Battalion.
" As such, you may contact Mr.James Samonte should you wish you engage them for any of your events. Thank you."

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN