Alfred Vargas, suportado ang pagtakbo ng kapatid bilang Quezon City councilor

by Jojo Gabinete
Oct 12, 2018

Kung may mga magkakapatid na nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan dahil sa kanilang mga political ambition—tulad nina Senator JV Ejercito at Jinggoy Estrada, Makati City Mayor Abby Binay at Junjun Binay—may mga magkakadugo na sinusuportahan ang pangarap ng kanilang mga kamag-anak.

Suportado ni Ara Mina ang kandidatura ng kanyang ama na si Chuck Mathay na nagbabakasakaling maging successor ni Herbert Bautista bilang mayor ng Quezon City sa 2019.

Buong-buo naman ang suporta ni Quezon City District V House Representative Alfred Vargas sa younger brother niyang si Patrick Michael "PM" Vargas na kakandidatong konsehal ng second district.

Continue reading below ↓

Sinusundan ni PM ang yapak ni Alfred sa public service dahil nanungkulan din ang aktor noon bilang konsehal ng second district ng Quezon City bago ito naging house representative noong 2016.

Nangako si Alfred na ikakampanya nito ang kandidatura ni PM na kasama sa Team JOY ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, na mahigpit na kalaban ng biological father ni Ara sa mayoral race.

Si PM ang chief of staff ni Alfred mula nang pumasok ito sa public service.

Sinabi ni Alfred na dahil healthy-looking si PM, ang "Pamilyang Malusog" o ang pagkakaroon ng malusog na pamilya ang isa sa mga advocacy ng kanyang kapatid kung sakaling palaring manalo.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results