National Costume ni Michele Gumabao, agaw-atensiyon sa Miss Globe 2018

Ang newly-renovated Tirana Ampitheater ng Tirana, Albania ang venue ng final show ng Miss Globe 2018 sa October 21.

Ang 26-year-old volleybally player at former PBB housemate na si Michele Gumabao ang official representative ng Pilipinas sa Miss Globe.

Umalis si Michele sa Pilipinas noong October 9 at makalipas ang isa't kalahating araw na biyahe, dumating siya sa Tirana, Albania at tumuloy sa National Costume shoot.

Ang fashion designer na si Nat Manilag ang creator ng national costume na gagamitin ni Michele sa National Costume competition ng Miss Globe.

IMAGE Courtesy of Nat Manilag

"Sheer tulle pencil cut with knee-high slit and ballskirt train modern Filipiniana with fully-embellished hand embroidery details inspired by golden Sarimanok, accessorized with a Sarimanok headdress and hand cuff encrusted with Swarovski crsytals and feathers," ang lengthy description ni Manilag tungkol sa agaw-atensiyong National Costume ni Michele.

Si Manilag din ang gumawa ng National Costume ni Michele nang sumali ito at manalo ng Bb. Pilipinas-Globe crown sa Binibining Pilipinas noong March 2018.

"So excited to meet new people and visit new places but most importantly, I’m looking forward to show the whole globe Filipino pride, talent, beauty and heart,” ang mensahe ni Michelle para sa lahat ng mga Pilipino na umaasa na maiuuwi niya ang korona na Miss Globe 2018.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN