70,000 pandesal, ipamimigay sa World Pandesal Day

Ang movie queens na sina Gloria Romero at Susan Roces, ang National Artist for Literature na si Nick Joaquin, si deceased President Cory Aquino, at ang mga music icon na sina Pepe Smith at Mike Hanopol ang ilan sa mga popular personality na suki ng iconic Kamuning Bakery na nasunog noong February 6, 2018.

Ang businessman at Star columnist na si Wilson Lee Flores ang may-ari ng Kamuning Bakery, na nabili niya noong 2015 mula sa original owners.

Desidido si Flores na ibalik sa dating puwesto ang 79-year-old bakery.

Kaya bago magsimula ang total demolition at reconstruction ng establishment, iniimbitahan niya ang publiko sa kanyang annual World Pandesal Day sa Lunes, October 16, 11 a.m., sa burnt ruins ng Kamuning Bakery.

Pitumpong libo (70,000) ang bilang ng pandesal bread na ipamimigay ni Flores at ng kanyang staff sa mga makikiisa sa kanila sa World Pandesal Day.

Nag-imbita rin si Wilson ng mga showbiz personality at mga VIP na pangungunahan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.

Ang Bible story (John 6:1-14 ) tungkol himala na ginawa ni Jesus sa dalawang isda at five loaves of bread na dala ng isang batang lalaki na ipinamahagi, ipinakain Niya, at nagkasya sa limang libong tao ang inspirasyon ni Flores sa pagdedeklara nito ng World Pandesal Day.

Magkakaroon ng free medical, dental at optical mission si Flores sa October 28 sa burnt ruins pa rin ng Kamuning Bakery sa kanto ng Judge Jimenez Street at K-1st Street, Barangay Kamuning, Quezon City.

Ang World Pandesal Day at ang free medical mission ang mga huling event na idaraos sa Kamuning Bakery bago umpisahan ang muling pagtatayo sa natupok na pagawaan ng tinapay.

Tanging ang dalawang 79-year-old brick ovens o pugon ng bakery ang hindi gagalawin para sa heritage preservation.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN