Paul Soriano, natupad ang pangarap na maidirek si Aga Muhlach

by Jojo Gabinete
Oct 13, 2018

Fourteen years old si Aga Muhlach nang gawin niya ang Hotshots, ang 1984 youth-oriented movie ng Viva Films na directorial debut ni Jeric Soriano, ang ama ni Paul Soriano.

Noong 1984, three years old pa lang si Paul.

Sa kuwento ng direktor, lima o anim na taon siya nang mapanood niya ang unang movie project ng kanyang ama.

Thirty-four years later, si Paul na ang direktor ni Aga sa First Love na joint production venture ng Star Cinema at ng Ten17 Productions, ang movie company ng asawa ni Toni Gonzaga.

Continue reading below ↓
 IMAGE Paul Soriano Instagram

Ayon kay Paul, isang pangarap na natupad ang makatrabaho si Aga.

"It’s my dream ever since to work with Aga Muhlach.

"The first Filipino film I saw was Hotshots, which was Aga’s film which was directed by my father.

"Ever since growing up, I always have this dream of wanting to work with Aga and, you know, you just don’t work with an Aga Muhlach, you have to earn the right to work with him," sabi ni Paul.

Ikinagulat ito ni Aga dahil hindi nito inaasahan ang narinig na papuri sa kanya.

Masayang-masaya si Paul dahil pagkatapos ng maraming pagsubok, natuloy ang pangarap niyang makagawa ng pelikula na si Aga ang bida na walang hiniling sa kanya kundi isang "right story."

"Literally, the stars aligned on this project," pahayag ni Paul dahil natupad din sa First Love ang pangarap ni Aga na makasama si Bea Alonzo sa isang movie project.

Continue reading below ↓

Para naman kay Aga, "right cast, right leading lady, and everything right" ang First Love.

Kaya hindi makukulangan ang magiging pakiramdam ng mga nagbabalak manood ng kanilang pelikula na mapapanood sa mga sinehan simula sa October 17, ang 37th birthday ni Paul.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results