Mitoy Yonting, hindi iiwan ang bandang The Draybers

by Jojo Gabinete
Oct 14, 2018

Ipagdiriwang ni Mitoy Yonting at ng The Draybers ang 10th anniversary ng kanilang grupo sa pamamagitan ng Biyaheng Diyes, ang concert nila sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa October 30, 2018.

Si Mitoy ang grand champion ng first season ng The Voice Philippines noong 2013, pero hindi ito naging dahilan para iwanan niya ang grupo na binuo nila ng kanyang mga kababayan sa Pangasinan.

Continue reading below ↓
The Draybers
 IMAGE Resorts World Manila Instagram

"Bakit ko iiwan ang The Draybers, e, kami ang nagsimula nito?" katuwiran ni Mitoy.

Nagsalita nang tapos si Mitoy na hindi magkakawatak-watak ang kanilang banda dahil napagdaanan na nila ang lahat ng klase ng pagsubok.

Inayunan ito ni Mylo, ang kanyang nakababatang kapatid na member din ng The Draybers.

Hindi nakakalimutan ni Mitoy na libre ang unang pagtatanghal ng The Draybers bilang front act ni Arnel Pineda sa Grand Fiesta Celebration ng Resorts World Manila noong 2010, pero nagbukas ito ng malaking oportunidad para sa kanila.

Ikinuwento ni Mitoy na totoong nangyayari na paminsan-minsan, hindi mahalaga ang pera, base sa naging karanasan nila.

"Libre, walang bayad ang tinugtugan namin.

"Inalok ang The Draybers na mag-front act kay Arnel Pineda, two years pa lang siya na vocalist ng Journey.

"Nag-isip ako, sige libre.

"Parang nagbukas kami ng account sa isang bangko na walang initial deposit, pero seven years na kaming tumutubo," pagbabalik-tanaw ni Mitoy sa nakaraan.

Continue reading below ↓

Supposedly, isang set lang ang performance ng The Draybers sa Grand Fiesta Celebration, pero hindi na sila pinakawalan ng audience.

Ito ang dahilan kaya naging regular performers ang grupo sa Bar 360 ng Resorts World Manila, na itinuturing nilang second home kaya dito rin ang venue ng kanilang 10th anniversary show.

Special guests sa Biyaheng Diyes sina Dulce, Randy Santiago, Nyoy Volante, ang "Tawag ng Tanghalan" champion na si Noven Belleza, "Tawag ng Tanghalan" finalist Ato Arman, at ang former Miss Saigon star na si Tanya Manalang.

Read Next
Read More Stories About
Resorts World Manila
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results