Michael Buble, magreretiro na bilang singer

by Jojo Gabinete
Oct 14, 2018

Ilang beses na nagtanghal sa Pilipinas ng mga concert ang popular Canadian-Italian crooner na si Michael Buble kaya ikinalungkot ng kanyang Filipino fans ang desisyon niyang tuluyan nang talikuran ang music industry.

Parang si John Lloyd Cruz lang si Buble sa pahayag nito sa panayam sa kanya ng Daily Mail, “This is my last interview. I’m retiring from the business. I’ve made the perfect record and now I can leave at the very top.”

Continue reading below ↓

Isang kaibigan ni John Lloyd ang nagparating sa Cabinet Files na, diumano, nagbitaw ang aktor ng mga salita na "It’s better to quit while you’re ahead" noong kainitan (last quarter of 2017) ng isyu tungkol sa kanyang pamamahinga sa show business.

May kinalaman naman sa pasya ni Michael na iwanan ang entertainment industry ang kanyang five-year-old son na si Noah, na nasuring may liver cancer noong 2013 at in remission sa kasalukuyan.

Ang matagal na pamamalagi ni Noah sa ospital ang nagpabago sa priorities at sa mga pananaw ni Michael sa buhay.

Dati-rati, pinoproblema ni Michael ang ticket sales ng kanyang mga concert pero nag-iba ang mindset niya dahil kay Noah.

“The diagnosis made me realize how stupid I’d been to worry about these unimportant things.

"I was embarrassed by my ego, that it had allowed this insecurity.

"And I decided I’d never read my name again in print, never read a review, and I never have.

Continue reading below ↓

"I decided I’d never use social media again, and I never have," ilan sa mga pahayag ni Michael, na umamin na naging biktima rin siya ng celebrity narcissism.

Postscript: At press time, sa kabila ng pahayag na hindi na siya gagamit ng social media, active pa rin ang Instagram account ni Michael na may 1.9 million followers at ang kanyang Twitter account na may 2.3 million followers.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results