Whitney Houston, biktima ng pangmomolestiya at nagkaroon ng lesbian relationship?

Bago pa nagkaroon ng announcement na mapapanood sa Cinema One Originals 2018 festival ang Whitney, kalat na ang pirated copies ng documentary movie tungkol sa buhay ni Whitney Houston dahil noong July 6, 2018 pa ito ipinalabas sa mga sinehan sa Amerika.

Unfortunately, US$4.3 million lamang ang box-office gross ng documentary movie na lumikha ng ingay dahil sa rebelasyong biktima si Whitney ng pang-aabuso mula 7 years old hanggang 9 years old ng kanyang lesbian first cousin, ang singer na si Dee Dee Warwick, na hindi na maipagtatanggol ang sarili dahil pumanaw na siya noong October 2008.

Hindi lamang si Whitney ang biktima ni Dee Dee dahil minolestya rin diumano nito si Gary Houston, ang kapatid ng singer-actress na kinikilala bilang most awarded female artist of all time.

Ang longtime assistant ni Whitney na si Mary Jones ang isa sa mga resource person sa controversial documentary tungkol sa makulay at magulong buhay ni Whitney na pumanaw sa edad na 48 noong February 11, 2012.

Ayon kay Jones, ang traumatic experience ni Houston sa kamay ni Warwick ang dahilan kaya nagkaroon ng pagdududa sa sariling sexuality at lalong nalulong sa paggamit ng illegal drugs ang sumakabilang-buhay na singer-actress.

Mapapanood din sa Whitney ang mga rebelasyon tungkol sa rumored lesbian affair ni Whitney sa kanyang close friend, ang openly lesbian na si Robyn Crawford.

Ayon sa kapatid na lalaki ni Whitney, si Robyn ang posibleng true love ng singer na tinawag na "one of the greatest vocal performers who’s ever walked the earth."

Incidentally, ipinakita rin sa Whitney ang controversial footage ng pagsinghot ng cocaine ni Bobbi Kristina Brown, ang nag-iisang anak ni Whitney na tragic din ang kuwento ng buhay.

Tulad ng kanyang ina, gumamit si Bobbi Kristina ng illegal drugs, dumanas ng depression at gaya ni Whitney, natagpuang nakadapa sa bathtub, anim na buwan na comatose bago binawian ng buhay noong July 26, 2015.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN