Gian Sotto, hindi itinuturing na kalaban si Roderick Paulate for QC vice mayor

Gian Sotto, hindi itinuturing na kalaban si Roderick Paulate
by Jojo Gabinete
Oct 15, 2018

Will history repeat itself?

Thirty years ago, nahalal na vice mayor ng Quezon City sa edad na 40 si Senator Tito Sotto,

Ngayong 2019, kandidato na bise alkalde ng lungsod sa eleksyon sa May 2019 ang kanyang 40-year-old son, si District 3 Councilor Gian Carlo Sotto.

 IMAGE Jojo Gabinete / Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ten years old si Gian nang magsilbing vice mayor ng Quezon City ang kanyang ama kaya malinaw na sa isip niya ang mga nangyayari noon.

Lahad niya sa Cabinet Files, "I think Grade 3 ako noon, parang napansin ko halos walang ipinagkakaiba sa mga ginagawa nila sa Eat Bulaga!

"Because ang impression ko sa kanila, yung Eat Bulaga! is a public-service program. Tumutulong sila sa mga tao.

"So when he became vice mayor, nakikita ko yun, palagi siyang nasa area, umiikot sa barangay, nagda-dialogue sila and conducting medical missions, conducting different programs para sa mga kapatid natin na mahihirap.

"Hindi ko ma-explain ang feeling, never ko in-imagine na magiging ganoon.

"For me, it’s a blessing. I see it as a blessing.

"When I talk sa daddy ko, ganoon din ang sabi niya sa akin, wala sa plano niya.

"Actually, nakita ko lang ang talagang nangyari. Si Daddy, sina Tito Vic, Tito Joey, yung mommy ko [Helen Gamboa]… that’s what I learned from them.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sila yung mga naging modelo ko na gusto kong sundin, and I wanted to apply whatever I learned from them growing up as a family man, as a leader of the community, and as an artist."

Ang kapwa konsehal at ang aktor na si Roderick Paulate ang sinasabing mahigpit na katunggali ni Gian sa vice mayoral race sa Quezon City.

Pero hindi raw niya itinuturing na kalaban ang kanyang "Kuya Dick."

Sabi ni Gian, "Actually, wala akong masasabi kay Kuya Dick. He’s really a good guy.

"He’s one of the people na iniidolo ko simula bata pa ako dahil nakatrabaho niya ang mommy ko, a lot of times before, pati sina Daddy, and he’s really just also like a family to me.

"Sabay kami sa City Council.

"Para sa akin, Kuya Dick is really a good guy, he’s really a nice guy, he’s really a good leader and talagang pinupuri ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkita o nagkausap na sila ni Roderick matapos ang filing nila ng certificate of candidacy noong nakaraang linggo?

Sagot ni Gian, "Hindi pa kami nagkakausap, pero for me kasi, hindi ko tinitingnan yung public service as a contest or a competition because sa natutunan ko sa Eat Bulaga, it’s not about us.

"This is about the people. Tungkol ito sa buhay ng ating mga pinaglilingkuran na tao.

"Bahala na ang Diyos at ang mga tao na mamili kung sino sa tingin nila ang makakapag-represent sa kanila nang mabuti.

"Wala akong kinakalaban, wala akong enemies or anything."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results