Sa pangalawang pagkakataon, muling kakandidatong konsehal ng 4th District ng Quezon City si Hero Bautista, ang younger brother ni Quezon City Herbert Bautista.
Pumasok si Hero sa drug rehabilitation center noong April 2016 para makawala na siya sa masamang bisyo na sumubok sa katatagan ng pamilya nila.

Bilang reelectionist, tanggap ni Hero na posibleng gamitin sa kampanya ng kanyang mga kalaban sa pulitika ang pagkakaroon niya noon ng bisyo.
Pahayag niya, "Hindi ako takot doon.
"Isa lang naman ang sagot ko: natuto na ako, tapos na yung isyu.
"Ayoko nang balikan. Gusto kong maging halimbawa sa mga tao na naliligaw ng landas.
"Yun lang naman ang sasabihin ko, ginagawa ko naman lahat ngayon.
"Siyempre, kung public official ka or public servant ka, magiging idol ka. Ikaw ang susundin ng tao.
"Makikita nila, maganda yung ginagawa mo sa barangay.
"May mga bata na magiging idol ka, yung mga new generation.
"Sabi nga nila, kung ano ang mga ginagawa ng matatanda na hindi tama, gagayahin ng mga bata.
"Sa akin naman, gagawa ako ng tama para yun ang gayahin ng mga bata."
Ayon kay Hero, naging matapang siyang aminin noon ang pagkakaroon ng masamang bisyo dahil sa pagmamahal niya sa kanyang pamilya.
"Yes, I am brave. Para sa pagmamahal ko sa mga kapatid ko, hindi baleng ako yung tapakan, huwag lang yung mga kapatid ko.
"Sinadya ko na rin na gawin yun [pag-amin] dahil there was this issue na he’s being tagged as one of the mayor who are condoning drug lords," pagtukoy niya sa kanyang kapatid na si Quezon City Mayor Herbert Bautista.
Patuloy ni Hero, "Kasi umiyak sa akin si Kuya Herbert. Sabi ko, 'Sige, kuya, ako ang bahala.'
"Isinakripisyo ko na yung sarili ko. Ginawa ko ang dapat gawin ng isang kapatid para isalba ang isang kapatid.
"Kahit anong panakot nila [detractors], ngingitian ko lang.
"Ang akin lang lagi, if you’re judging me, I will prove you wrong… that you’re wrong.
"And here’s what I will gonna do to show you that I’m right."