Rochelle Barrameda, sasabak sa pulitika dahil sa pinaslang na kapatid

Rochelle Barrameda, sasabak sa pulitika dahil sa pinaslang na kapatid
by Jojo Gabinete
Oct 16, 2018

Sina Rochelle Barrameda at Dominic Ochoa ang dalawa sa mga showbiz personality na residente ng Parañaque City na susubukan ang kapalaran nila sa pulitika at public service sa eleksyon sa May 2019.

Kapwa kakandidato na konsehal sina Rochelle at Dominic sa magkahiwalay na distrito ng Parañaque, pero pareho sila na tatakbo sa ilalim ng Lakas-CMD.

Dominic Ochoa, Paranaque Mayor Jun Bernabe, and Rochelle Barrameda
 IMAGE Jimwell Stevens Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Dominic ang kandidato ng Lakas-CMD sa District 2 at si Rochelle ang susuportahan ng partido sa District 1 ng Parañaque City.

Mula rin sa showbiz ang vice-mayoral candidate ng Lakas-CMD, si Jeremy Marquez.

Hindi naging madali kay Rochelle ang magdesisyon na kumandidato, pero malaki ang kinalaman ng brutal na pagpaslang noong March 2007 sa kanyang kapatid na si Ruby Rose.

Pahayag niya, "Hindi ko planado na sumabak sa pulitika pero bigla na lang dumating ang bagong paghamon.

"Hindi naging madali para sa akin, lalo na sa mommy ko.

"Ayaw niya talaga na sumabak ako sa pulitika, lalo na kabubukas pa lang ng beauty and skin clinic business [Skinfrolic by Beautéderm] namin ni Jimwell Stevens [her husband].

"Isa pa, mahahati ang oras ko sa pamilya ko at sa paglilingkuran ko.

"Gabi-gabi akong nagdarasal na bigyan niya ako ng sign kung tutuloy ko ba o hindi.

"Alam naman ng lahat na naging personal na ang aking advocacy ang AVAWC o Anti-Violence against Women and their Children dahil sa nangyari sa pamilya namin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang pagpaslang sa kapatid kong si Ruby Rose, na isinilid sa drum, ipinosas, isinimento, at itinago sa dagat.

"For more than 11 years, nandito pa rin ako na lumalaban na makamit ng kapatid ko ang hustisya na matagal na po naming inaasam."

Rochelle Barrameda and husband Jimwell Stevens
 IMAGE Jimwell Stevens Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ni Rochelle, "Naniniwala rin ako sa magandang adhikain ng aming mayor na si Jun Bernabe at Vice Mayor Jeremy Marquez.

"Dati ikinakampanya ko lang sila. Ngayon, kaisa na nila ako sa pagbabalik ng sigla ng Parañaque. Ang tunay na may puso at malasakit.

"Sobra naman akong nagpapasalamat sa aking asawa na si Jimwell sa pagmamahal at suporta sa akin, gayon din ang aking mga anak.

"Sana mabigyan ako ng pagkakataon na manungkulan sa District 1 ng Parañaque."

Ayon naman kay Jimwell, kumpletong-kumpleto ang suporta niya sa kanyang misis at sa mga pangarap nito para sa ikauunlad ng Parañaque City.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results