National Costume ni Eva Patalinjug sa Miss Grand International, nilait ng netizens

Unlike Michele Gumabao, hindi showbiz personality si Eva Patalinjug kaya hindi masyadong pinag-uusapan ang pagsali nito sa Miss Grand International 2018 na magaganap ang final show sa October 25, 2018 sa The One Entertainment Park sa Yangon, Myanmar.

Si Eva ang official candidate ng Pilipinas sa Miss Grand International at si Michele ang representative ng ating bansa sa Miss Globe 2018, na mauunang idaos ang coronation night sa L’ Ampitheatre de Tirana sa Tirana, Albania, sa October 21, 2018.

Kasama ang national costume ni Eva sa Top 10 ng Best National Costume Competition.

Hinihingi niya ang suporta ng mga Pilipino para iboto at, hopefully, manalo ang kanyang Pearl of the Orient Seas-inspired costume na collaboration nina Philipp Piezas (gown), Roy Erwin Tizon (headdress), at Christopher Munar (earrings).

Eva Patalinjug
IMAGE Miss Grand International Instagram

Dapat magsanib-puwersa ang mga kababayan natin sa pagboto kay Eva para manalo ito sa National Costume Competition dahil biktima siya ng mga batikos sa official social media accounts ng Miss Grand International.

Wagas ang mga panglalait ng ibang mga nationality sa costume ni Eva na tinawag nilang "horrible" at walang karapatan na makabilang sa Top 10 ng Best National Costume Competition ng Miss Grand International.

Naka-post sa Facebook account ni Eva ang paraan ng pagboto para mapansin siya sa beauty pageant na sinalihan niya:

"Follow this 3 easy steps:1. Download the App 'Star Phone' on your phone through Apple store/ Google store 2. Go to the search button and search MGI or type *789 on the dial pad.3. On the Miss Grand International page, click on the VOTE button and look for Philippines and then click to cast your vote. Make sure to click '1 Vote for free'. (You can also vote as much as you can by voting via 'Vote via credit card/debit card.)"

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN