Andi Eigenmann, masaya sa simpleng pamumuhay sa Siargao

Bakas sa mukha ni Andi Eigenmann ang genuine happiness nang humarap siya sa entertainment writers para sa media launch ng All Souls Night, ang horror movie na pinagbibidahan niya at Halloween presentation ng Viva Films.

IMAGE Noel Orsal

Ikinuwento ni Andi na masaya siya dahil natagpuan na niya ang sarili at ang kaligayahang hinahanap mula nang manirahan siya sa Siargao.

Halos hanggang tenga ang ngiti ni Andi habang ibinabahagi nito ang simpleng pamumuhay sa isla ng Siargao.

Gumigising daw siya bago sumikat ang araw, halos maghapon ang surfing nila ng kanyang boyfriend—ang surfing champion na si Philmar Alipayo—at ang panghuhuli sa dagat ng mga sariwang isda at octopus na kanilang kakainin.

"This is something I’d been wanting for myself ever since I was little.

"Siguro, ngayon ko lang na-discover din na I can do something about it," sabi ni Andi.

May sagot din ang aktres sa mga naiinggit sa kanyang simpleng pamumuhay sa isla.

Aniya, "Para sa akin, hindi dapat mainggit dahil lahat naman tayo kaya yun and also, because yung akin, genuine happiness happens…

"Alam ko naman na sa ibang tao, iba. Hindi naman kailangan kapareho.

"There are also people who find enjoyment in having finer things in life and there’s no problem with that."

Dahil likas na honest, nagpakatotoo si Andi nang sabihin nitong hindi talaga siya huminto sa showbiz dahil nagkataon lang na walang offer sa kanya.

"Actually, walang offer. Ang akala ko, kinalimutan na ako ng mga tao.

"Okey lang sa akin yun dahil ako naman ang nag-make ng decision na lumayo kaya sobrang natuwa ako na tinawagan ako ni Boss Vincent del Rosario," sabi ni Andi.

Busy ngayon si Andi sa pag-aasikaso sa bed and breakfast business (for transient clients) nila ni Philmar sa Siargao, kahit hindi siya active sa showbiz at noong hindi pa nag-uumpisa ang shooting niya para sa All Souls Night.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN